31st Haunted

32.4K 1K 193
                                    

Haunted

Trigger Warning: Violence

Weapon

The urge to ask him about Roche is very high. Kaso, paano kung may girlfriend na nga, matatanggap ko ba agad iyon?

Tatawa ba ako kung narinig kong nakamove-on na si Roche, may bagong girlfriend, at masaya na? That he might thank me for leaving him? For giving up on us?

And with Crius' bluntness everytime I'm around, gave me an idea that he's probably pursuing someone already.

"Himala, nasaan ang dyablo?" I asked when I didn't see Crius roaming around like a lizard on the ceiling.

"He's busy. The company's dying..." si Naia sa malamig na tinig habang may binabasa sa isang magazine.

Crius looked so unbothered everytime I see him. Akala mo walang mabigat na dinadalang problema lalo na't palaging mataas ang kumpyansa sa sarili.

Kaya ngayong sinasabi ni Naia ang malaking problema nila ngayon sa negosyo, hindi ko man lang kayang isipin ang problemadong mukha ni Crius. Meron ba siyang ganoon? It's like he's always proud even when he's loaded with things! At may gana pang mambwesit sa akin!

"Buti nga at distracted siya nang tigil-tigilan niya ako," irap ko at sinilip ang kanyang binabasa sa isang magazine.

"Oh wow..." my eyes twinkled when I saw our family name behind our family photo.

Our clan were featured in a popular magazine. Naroon ako, si Naia, at si Chey kasama ang aming parents. Nakatayo ang aming mga Daddy, nakaupo sina Mommy at Tita nang pormal habang kami nila Naia ay nasa gilid at seryoso ang tingin sa camera.

"I can't believe this is me," I pointed myself and laughed proudly.

"Tingnan mo 'yung lights sa likod ni Tito Vincent! Parang naging center of attention lalo siya dahil medyo nailawan siya!" medyo natawa ako nang mapagtanto iyon.

Nang lingunin ko si Naia, seryoso niya lamang tinititigan ang pamilya namin. I know it's her usual emotion, her usual cold personality ngunit alam ko ang mukha niya pag hindi natutuwa kahit pa blangko lamang.

"You're not proud with this?" I asked.

"I smell danger," she said.

"Danger?" natatawa kong sabi at muling tiningnan ang picture.

Well, we're not smiling. We looked like a mafia family. Siguro dahil nakaitim kami lahat? Parang may pinagluluksaan kung tingnan. And with the flickering lights behind us, it feels like the heaven's gate were suddenly opened to welcome us.

Muli kong nilingon si Naia. Habang patagal nang patagal ang pagkakatitig niya sa picture, unti-unting napapawi ang ngiti ko.

I know her instinct is way more powerful compared to us. Para bang talent niya na iyon, ngunit hindi naman siguro palaging may kahulugan ang tingin niya sa lahat ng bagay?

"Coz we're popular, Naia. Ganoon pag sikat at makapangyarihan. That's why we got guards, right? It's pretty normal since we're not normal. Gets mo?"

She didn't flinch. I sighed and hugged her. Ipinatong ko ang aking baba sa kanyang balikat lalo na't hindi niya talaga kayang tanggalin ang atensyon sa picture.

Hindi nabali ang paninitig niya sa picture. Tiningnan ko iyong muli ngunit wala naman akong nakikitang problema. We looked so expensive. High profiles.

"Don't worry... you won't lose us if that's what you're worrying about..." I chuckled.

Naramdaman ko ang paglingon niya sa akin. She glared at me like I said something bad. Bakit ba ang seryoso nito lagi?

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon