18th Haunted

33.6K 1K 512
                                    

Haunted

Hot

"So... I wanted you to know that what I did from the past was part of my immaturity as a person and I didn't mean to judge you that way."

Tamad niya akong tinitigan.

"And I'm here infront of you to show you how much I regretted those words I said," madrama kong patuloy.

"And after this, I'll move forward and learn how to look at the brighter side of my life. To learn from my mistakes—Wait... that sounds so formal!"

Ngumiwi si Franca habang hawak niya ang aking script. Buong linggo ko 'yang ginawa at pilit kinakabisado.

"To summarize this, I'm sorry lang naman 'to, Cass..." aniya at kinuha ang kanyang milk tea.

"Hush. Gets niya nang nagsosorry ako. No need to say it literally. So... let's start again," sabi ko at tumikhim habang inaayos ang sarili.

"Again... I am learning how to grow as a human being. And I know I have a lot of issues to improve but I'm willing to acknowledge my fault..." I said with an accent.

"You're hired, Ma'am," ngiti niya sa akin at pumalakpak pa.

"Franca I'm serious! Kailangan ko 'to before Intrams! Ayokong may baggage akong dala dala. I wanna have fun without thinking about my problems! At ayoko nang magkaroon ng stress acnes!" paypay ko sa aking sarili at parang hihimatayin sa aking mga naiisip.

"Bakit need mo pa 'to? Just tell him what you truly feel, Cass..." sabay baba niya sa script.

Ginalaw ko ang aking pagkain habang umiiling. Mabuti naman 'yung prepared ako. At sincere pa rin naman ang sorry ko. Mas ma effort pa nga.

My dermatologist told me to manage my emotions wisely. And this is what I'm doing. I'm trying to manage it skillfully, with a script and inspirational words.

"So... I wanted you to know that what I did from the past..." I started again while watching myself in the mirror.

Tiningnan ko nang maigi ang sarili sa salamin habang kinakabisado iyon. I also practice my expression para hindi ako ganoon ka arte tingnan. Ayoko namang magstraight tagalog dahil baka mabulol ako.

Inulit ulit ko iyon noong lumabas ng comfort room at madramang nirerecite ng marahan. Huminto lamang ako sa gymnasium nang makita ang practice ng cheerdancer para sa nalalapit na Intrams.

God! Bakit nga ba hindi ko p-in-ursue ang plano kong sumali sana? Iyon pa naman ang plano ko noong first year college kung hindi lang talaga ako na distract sa ballet.

Nakita ko sa bleachers ang pamilyar na si Franca kasama ang girlfriend ni Roche. Nakasandal ito sa likuran ng bleachers habang kumakain ng lollipop at pinapanood ang practice. Si Franca naman ay nakahalukipkip seryoso ring nanonood.

Nakita ko ang pagtagilid ng ulo niya. She noticed me. Napaahon siya sa pagkakasandal at umayos ng upo para silipin akong lalo sa tuwing natatakpan ako ng mga cheerdancer.

She glanced at Franca and said something to her. Franca innocently tried to tilt her head in order to see me. Nag-iwas agad ako ng tingin, kunwari ay napadaan lamang at umalis din.

Just wait, Roche. I need to settle my own issues first. I promise after this, sa'yo naman ang aatupagin ko.

Pero bakit nga ba dito siya nagpasyang mag-aral kung taga La Salle ang boyfriend niya? If I have a boyfriend, kung nasaan siya, doon din ako mag-eenroll para madali nalang kaming magkita.

Siguro si Wayt talaga ang rason? Wow... This kind of mind I have will pass as a detective. Or a highclass tsismosa. I know all the tea in the City.

Planado na lahat ang balak ko sa buong linggong iyon. Hindi naman ako nahihiya talaga kay Wayt noon pa man. Kahit ngayon na alam kong may kasalanan ako, talagang malakas pa rin ang kumpyansa ko.

H A U N T E D (NGS #11)Where stories live. Discover now