44th Haunted

46.5K 1.5K 629
                                    

Haunted

Brokenhearted

I never cheated on him. Kung ano man ang ibinibintang ni Amanda, alam kong hindi iyon totoo. But she mentioned my friend snitched?

Tulala ako sa kawalan. Nakikita ko si Roche na tinutulak na si Amanda papasok sa kuwarto habang sumisilip sa akin at galit pa rin.

"Kuya!" ang huli niyang naisigaw bago sinarado ni Roche ang pinto nang tuluyan.

He sighed and looked at me meaningfully. Nakaupo na ako, ngunit sa sobrang panlalambot, parang matutunaw ako sa kinauupuan.

"What is she talking about?" sa halip na pagalit, halos humina ang tinig ko.

"It was nothing. I don't believe them—"

"What is she talking about, Roche!" namamaos kong sigaw.

Tumigil siya sa pagsasalita at binasa ang pang-ibabang labi.

"One of your friends posted a story on her instagram account. Nakuha ka sa picture habang natutulog at may katabing topless na lalake. Of course I didn't believe it but... I replied to confirm."

Naalala ko bigla ang memoryang iyon. Wala naman akong nakitang story sa instagram nila na ganoon dahil kung nakita ko, sigurado akong magagalit ako.

"And what did my friend said?"

Naglakad si Roche patungo sa akin. Namulsa siyang tumabi. I looked at his topless body first before my eyes drifted to his face.

"Wait... I still have the convo," saka niya kinuha palabas ang kanyang cellphone.

Sumilip ako kung paano niya binuksan ang kanyang phone. Bumalandra agad ang mga app. Nagkasalubong ang aking kilay sa facebook, twitter at instagram na mukhang kaka download lamang lalo na't nakalinya ang mga iyon.

He clicked the instagram and clicked the message icon. Nakita ko kung gaano ka rami ang message request na mukhang hindi niya binubuksan man lang. Wala masyadong messages kaya isang scroll lang pababa, nahanap niya agad.

"Si Vanessa?" halos magkasalubong ang kilay ko.

Binuksan niya ang convo nila at inilahad sa akin ang kanyang cellphone. Kinuha ko iyon at halos bumaba agad ang aking balikat nang makitang may early messages si Vanessa sa kanya bago ang reply ni Roche sa naburang story.

I scrolled up to see some of her messages.

"I didn't notice she's messaging me. Nabasa ko lang noong nagreply siya sa reply ko sa story niya," paliwanag niya.

Vanessa:

Hi Roche! Ikaw 'yong sa Club right?

Hey! Let's go clubbing!

Haha so you're in a relationship with Cassey huh? Mahilig ka sa playgirl? I am also a playgirl!

I am aware that my friends are aggressive when it comes to boys lalo na't ganoon din naman ako sa mga tipo ko kaya hindi ko pinansin ang magkaibang araw na dalawang mensahe. Kaso ang off na ng ikatlong mensahe niya.

Roche rested his chin on my shoulder and slowly wrapped his arm around my waist. I stiffened for awhile. Masama ko siyang nilingon.

"Continue..."

Umirap ako at muling binasa ang mga mensahe. This time iyong reply na ni Roche sa story na nawala.

What the fuck?

'Yun lang ang tanging reply ni Roche. My shoulder loosened when I read Vanessa's reply.

Why? You're also a playboy yourself, Roche. As if you don't sleep with women behind her back too haha kwits

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon