42nd Haunted

45.1K 1.3K 364
                                    

Haunted

Real

I pretended I didn't hear him. Nagpatuloy ako sa pagvivideo kahit nanginig pa ng kaonti ang kamay ko.

Siguro noong naririnig ko pa ang rumor tungkol sa kanya na taken naman siya, at ang mga nakita kong ebidensya na maaaring may relasyon sila ni Joanne lalo na't iba siya tratuhin nito sa set, naipagtatanggol ko pa sa isip ko ang rason ng pagiging kuryoso niya sa personal kong buhay.

But when he claimed that he's not dating her, it bothered me. Binura niya ang tanging sandata ko sa isipan na hindi niya ito ginagawa dahil may nararamdaman siya sa akin o ano mang dahilan kung bakit lagi siyang irita sa tuwing binabanggit ang engagement ko.

How am I supposed to cover his obvious actions now? Kung para sa campaign, edi sana pati ang CEO ay sinita na ako. O kung inaalagaan nila iyon at may pakialam sila sa issue na binabato sa akin, tinanggal na dapat ako.

But they didn't. At anong dahilan niya kaya siya nasa building ng condo unit ko kagabi? Napadaan lang? Really? Sa daming daanan sa mismong parking lot ng condominium na tinitirhan ko?

Ayos sana kung robot ako! Manhid para hindi makaramdam! Kaso nararamdaman ko lahat! Ang galit sa titig niya. Ang mga pagdududa niya. Ang lahat lahat!

"Grabe na talaga si Engineer. Sinagot na nga ang travel, pati itong hotel accomodation sa kanya rin!" ang manager ko habang nagpapasok na ng gamit sa hotel.

This isn't my first time flying to Paris. Pero ito ata ang unang beses na wala akong nilabas na pera ni piso.

Inayos ni Pauline ang mga gamit ko. I looked at Roche's hired bodyguards. Dalawa sila at puro babae. Not that I'm judging their capability but why... girls? Sa dami ng tauhan niyang lalake, babae pa ang binigay sa akin!

Easy there, Cassey. Nalaman mo lang na single, nagpapatong patong agad 'yang mga bintang mo sa kanya. Baka kahit paghinga ni Roche ay punahin mo na rin! That he's breathing for you!

"Sabi ni Engineer bukas daw magsisimula ang shoot. Baka gusto mong gumala saglit, Cassey?"

"I'll just rest. Kung gusto niyong gumala, ayos lang. Matutulog lang ako."

My team looked at each other with excitement. Natataranta si Lara sa pag-aayos ng buhok, si Lia na aligaga sa pagbibihis, ang manager ko na kinakausap pa ang mga bodyguards, at si Pauline na mas piniling manatili.

"Matutulog lang ako, Pauline. Sumama kana sa kanila," sabi ko habang nakatapis na ng tuwalya at naghahandang maghalf bath muna.

"Kabilin-bilinan ng Mommy niyo na kahit tulog ay huwag ko raw po kayong iwan, Miss Cassey..."

I can hear Mommy's malicious words on my mind. Iniisip talaga noon na may mangyayari! Just because I used to crave for rough sex during my younger days ay ganoon pa rin ako ngayon.

I mean... yes. Nandoon pa rin naman. Who wouldn't crave for sex when you're stressed with work?! But it wasn't my priority now. I can live without getting laid!

And damn it, simula ata noong nabanggit ni Mommy ang tungkol diyan, dala dala na ng isip ko hanggang dito.

"Sige na, Pauline... You should shop. Bibigyan kita ng pera—"

"At kahit alukin niyo raw ako ng pera huwag daw akong pumayag, Miss Cassey..." putol ni Pauline habang nag-aamba akong kunin ang pitaka.

Nalaglag ang aking panga. Well fine! If she wants to stay then she can stay. Medyo nag-aalala lang naman ako dahil baka mainggit siya sa kanila na gumagala sa Paris at pinapatrabaho ko siya rito.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon