14th Haunted

31.4K 1K 456
                                    

Haunted

Ghost

I gathered everyone infront of Miss Jasmine. Sa kanilang mga ekspresyon, sa pilit na kinukubling namumugtong mga mata ni Joanne, pakiramdam ko, alam na agad nila lahat ang desisyon.

"Miss Jasmine," sabi ko pagkatapos hinaan ang tugtog para magkarinigan kami.

Dim pa rin ang loob. Si Alexus ay nasa gilid lamang at nanonood. The party is exclusive for us. Kaya wala kaming audience bukod sa amin.

Tumikhim si Miss Jasmine at sumimsim sa kanyang hawak na champagne flute.

"I know all of you worked hard for this. Masaya ako sa performance dahil nakita ko kung paano kayo nag-improve. Each one of you is talented. Kaya kung ano man ang desisyon ko, alam kong maiintindihan niyo iyon at susuportahan ang co-ballerina niyo para sa solo performance sa Cebu."

Nagtinginan ang lahat. Si Joanne na nasa aking gilid ay nilingon ko. She glanced back. I smiled at her. She smiled back genuinely. Inabot ko ang kanyang kamay at hinawakan iyon. I squeezed it to calm her.

"So... I decided to pick..." huminga si Miss Jasmine at iginala ang tingin sa amin.

"Cassandra," deritso niyang bigkas sa aking pangalan.

Everyone didn't react. Nagtinginan silang lahat sa akin. May ibang ngumingiti ng pilit ngunit alam ko iisa silang lahat ng iniisip.

"Cassey!" ang tinig ni Joanne ang pumaibabaw at mabilis akong hinarap. "You made it! Congrats!" natatawa niyang sabi kahit na kumikislap ang luha sa kanyang mga mata.

She started hugging me. Nilingon ko ang iilang ka grupo namin. They smiled and slowly joined Joanne to congratulate me too.

"Thank you..." nangingiti kong sabi nang humiwalay si Joanne saka tiningnan si Miss Jasmine.

"Natutuwa ako na ako ang naisipan niyong piliin para magcompete, Miss Jasmine. Ngunit hindi ko po matatanggap."

Ramdam ko ang singhapan ng aking mga kagrupo. Si Miss Jasmine ay naninimbang pa ang tingin sa akin.

"I don't deserve the spot. I'm lazy sometimes. Hindi ako sumisipot sa practice. Oo at siguro magaling ako, ngunit hindi po ako ganoon ka dedicated. Hindi ko priority ang ballet. Sumasali lang ako minsan dahil namimiss ko ang mga kaibigan ko. Sila Joanne..." ngiti ko at tiningnan sila isa isa.

"But Cassey, you are good. May potensyal ka, hija... right girls?"

Si Joanne ang tumango ngunit ang ilan ay nanatiling walang imik. I sighed.

"Ma'am. Can you let us speak our minds. I have a lot of things to say and I know they have their own opinion too. Pwede bang magdesisyon ka pag narinig mo na ang opinyon namin isa isa?"

"Sure. Go ahead. I'll listen," si Miss Jasmine na pinasadahan kami ng tingin.

Tiningnan ko sila. They're all looking away. May iilan na ayaw nang magsalita, natatakot sa maaaring mangyari kung isinaboses nila ang opinyon.

I smiled. "So... as a team, sino ang deserving sa spot? I think it's Joanne. Right guys?"

Kita ko ang pagliwanag ng kanilang mga mukha at isa isang nagsitango. Umiling agad si Joanne at pinigilan ako.

"Cassey..." hawak niya sa aking pulso.

"Malinis magperform si Joanne. Siya rin ang unang nakabisado ng mahihirap na steps," isa sa mga kasamahan namin na tinanguan ko agad.

"Right! During our first year lesson, si Joanne pa ang isa isang nagg-guide sa atin dahil ang hirap noong ibang steps. Oh I remember how she didn't stop teaching me na kahit free time ko, nagtetext pa to practice!" I chuckled.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon