8th Haunted

32.9K 1.2K 420
                                    

Haunted

Compliment

Kabado ako sa totoo lang kahit gusto kong isawalang bahala ang nangyari. Kahit malinaw naman sa akin na kami lamang ang naroon at hindi kakalat, pakiramdam ko ay lalabas pa rin iyon.

I wanted to confront him and told him to keep it as a secret ngunit mapapaisip naman siya na baka bigdeal? At mukhang wala naman sa ugali noon ang pagiging madaldal. Sa kanilang magpipinsan, si Ken ang madaldal. Wayt's the silent type. While Hiro was the mysterious one.

I sighed and shut my eyes. Pinaglaban ko pa noong nakaraan na wala akong gusto sa kanya at kung kakalat iyon, na... may halikan kami, parang lalabas sa grupo nila Almira na tama nga ang bintang nila sa akin. That I am a snake for betraying my former friend.

Gusto kong ibaon sa limot ang alaalang iyon. Lalo na't simula noong nangyari, hindi na kami ulit nagkausap pa.

I did my best to avoid him. Or maybe to avoid another argument. Nagpokus ako sa umpisa ng pasukan sa taong iyon.

"Nasaan na 'yung pancit canton mong buhok? Pinakuluan mo na?" puna ni Franca sa bagong ayos ko nang madatnan ako sa labas ng isang classroom.

Well it wasn't Franca without her dark humor.

Mas naging madalas ang pagkikita namin ni Franca at Nana sa school lalo na't kapwa rin first year college na. Of course kasabayan din namin ang mga Delafuente boys na sina Ken, ang kambal, si Hiro, and Wayt.

Wala akong ideya sa kinuhang kurso ng iba ngunit nagulat ako sa nalaman kay Nana.

She's interested in fashion. Parang wala naman sa awra niya at hindi siya ganoon ka fashionista. Ngunit wala rin namang masama kung susubukan niya ang mga bagay na parang malayo sa kanya.

"Heto 'yung mga sketches ko," pakita niya noong break time.

She's actually good. Namangha ako nang mapagtantong may parehas kami ng hilig which is sketching. Iyon nga lang ay puro dress ang hilig niyang i sketch habang ang akin naman ay scenery.

"Maganda. Malay natin maging sikat ka na Fashion Designer sa future..."

"Hindi ko alam eh. Hindi naman kasi ako fashionista. Baduy nga ako manamit unlike Zera..." she smiled shyly.

Sa kanilang magpipinsan, Zera has the most elegant fashion style. Magaling niyang dalhin ang kanyang sarili kaya siya lagi ang kapansin pansin sa tatlong babaeng Delafuente dahil maalam sa fashion.

Si Elle naman ay parang nasa gitna lamang ni Zera at Nana. She's innocent but she knows how to blend well with the people around her. Sa kanilang tatlo, ito ang mas friendly. Dahil na rin siguro may dugong Fortalejo kaya sociable din.

"Oo nga baduy ka manamit pero may talent ka, Nana..." sabi ko.

Kinuha niya sa akin ang kanyang sketch pad at itinabi na iyon. Inayos niya ang buhok at nahihiyang umiwas ng tingin.

"Hindi naman purket hindi ka magaling sa part na 'yan wala kanang karapatang mangarap. Eh 'yung malalaking brand nga, bago sila sumikat ay nanggaling din sila sa hirap."

Napabaling siya sa akin. Noong makitang nakikinig na siya ay nagpatuloy ako.

"Do you know Louis Vuitton?"

She nodded attentively.

"The number one luxury brand in the world..."

"Yup. That's the name of the homeless boy who invented that luxury brand."

Her eyes widened. "He's a homeless boy?! But the brand is super rich! Bakit wala siyang biniling bahay para may matirhan siya?"

"Noon... Nana," agap ko.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon