Haunted
Run
Hindi ko alam kung bakit parang mapuputol ang aking hininga habang iniisip na nandito si Roche. Should I approach him and ask him about my follow request on Instagram? Baka kasi hindi niya rin iyon nakita because he's busy?
I mean what for? Paano kung sinadya niyang huwag i confirm ang request ko at sinadyang dedmahin ang message request ko? Ang kapal? Sino ba siya? At sino rin ba ako sa buhay niya?
Nakita ko ang pagsuyod niya sa kabuuan at kumukuha na ng makakain. Tumikhim ako at pinasadahan ng tingin ang lamesa.
"Parang may kulang," sabi ko kay Alexus at kinukuha na ang tissue para punasan ang aking bibig.
He looked at me curiously while munching his food slowly.
"I'll get some salad," sabi ko.
"I thought share na lang tayo?"
Umiling ako. "Gusto kong itry 'yung ibang salad."
Umalis ako sa upuan para matapos na ang pagtatanong ni Alexus sa akin. I saw Roche putting some food on his plate.
Kumuha ako ng plate at lumapit sa salad section lalo na't naroon pa siya. Pumwesto ako sa kanyang gilid at nangingiti siyang tiningnan.
Roche didn't glimpse at me. Nanatili ang seryoso niyang mukha sa pamimili at hindi man lang nag-abalang lumingon sa akin. Tiningnan ko ang plate niyang may lettuce kaya ginaya ko iyon. He started stepping forward while eyeing the cheese dressing.
"The chef can help you with your salad dressing," turo ko sa chef na nag-aabang sa dulo.
Roche didn't glance ngunit ramdam ko na doon siya patungo habang umaabante. I followed him.
"What kind of dressing do you like, sir?" the chef asked while transferring Roche's salad to a wodden bowl.
"Masarap kapag may olive oil," I suggested abruptly.
The chef glanced at me and smiled. She nodded and started getting some oils beside her. Ang nakaawang na labi ni Roche ay binasa niya at hindi na lang nagsalita.
Ibinigay ko rin ang aking plate pagkatapos ng kay Roche. Nakita ko siyang lumipat na sa kabilang section. Noong matapos na rin ang aking salad ay sumunod agad ako sa kanya sa seafood area.
"I followed you on Instagram," sabi ko nang tumigil ako sa kanyang gilid.
"I saw it," aniya na ikinakurap ko.
Nakita niya?! At hindi niya man lang in-accept ang request ko? He didn't read my message too. O baka naman nabasa niya rin pero dinedma niya lang din?
"For what reason?" tanong ko.
Umalis si Roche at lumapit sa kabila. I licked my lower lip and followed him. Tumigil siya sa Asian food at kumuha roon ng kaunti lamang.
Nagkunwari akong tumitingin tingin din sa pagkain kahit ang sadya ko lang ay makipag-usap talaga sa kanya.
Hindi siya umimik kaya muli akong sumulyap sa kanya. I wonder if he's half. He's almost foreign. Matangkad na nga, guwapo pa.
"I saw you viewed Jason's story . . ." ngiti ko at muli siyang tiningnan.
His brow arched. Lumapit siya uli sa kabila at talagang ayaw akong kausapin. Sumunod ako sa kanya sa Japanese section. Abala siyang mamili ng dish habang natatangay naman ang tingin ko sa cheese Room na nasa gilid lamang.
Tumingin din si Roche doon. Tiningnan niya ang grupo ng mga boys na pumasok doon at ngayon ko lang napansin na mga guwapo pala. I frowned when I realized what he's thinking lalo na't sa iling niya, parang dismayado naman.

YOU ARE READING
H A U N T E D (NGS #11)
RomanceCassandra Emerald Fortalejo is the sassy "it girl" Roche Dreyden Sevarro wants to forget. Yet every time he tries to, he keeps coming back to the same place he once left. *** Cassandra has built a reputation as the queen of effortless cool. Boys co...
Wattpad Original
There are 3 more free parts