38th Haunted

38.3K 1.5K 623
                                    

Haunted

Good Friends

Hindi ko masyadong binigyan ng kahulugan ang sinabi ni Roche. Ngunit ang ngiti ng team ko, para bang may kahulugan ang paglapit nito sa akin.

"Gwapo ni Engineer..." isa sa aking team iyon.

Pagkatapos ayusin ng aking buhok ay ibinigay na ni Pauline ang cellphone kong kanina pa raw nagriring dahil sa tawag ni Mommy.

"Mom," I sighed defeatedly.

Sinenyasan ako ng staff na five minutes at magsisimula na. I nodded and gestured while hearing my Mom's excited voice.

"Nasa salon pa ako, hija. I also shopped. Pero dederitso ako diyan mamaya. Where is it again? The museum, right? The first shoot?"

"Mom. I said Pauline and my team is here so it's fine..."

"I'm so bored, hija! I'll watch! Pupunta ako diyan!"

Binasa ko ang labi at nahuli ang tingin ni Roche. He watched me intently like I'm hiding some suspicious activities and he needs to catch me red-handed. Hindi na talaga ako tinantanan ng gagong 'to...

Iniwas ko ang tingin at tumalikod para lang hindi niya mabasa sa labi ko ang mga sasabihin.

"The shoot here won't take long. Baka magchange location agad at..."

"I don't mind. I'll bring my own driver and I won't disturb you!" giit niya.

Kita ko ang paglapit ni Pauline at sinisenyasan na akong kailangan nang magbihis.

"I need to go, Mom."

"Alright! See you later, sweetheart."

Pinatay ko ang tawag at ibinigay kay Pauline ang cellphone ko.

"Pupunta siya rito mamaya. Kung wala ka masyadong ginagawa, bantayan mo si Mommy, Pauline."

"Baka ako pa ang bantayan nang Mommy niyo, Miss Cassey," reklamo niya nang maalala ang ilang kalokohan ni Mommy na nakakalusot agad.

Nagbihis din naman ako. I wore a white sleeveless long satin dress and paired it with a faux fur shawl to make it look more classy. Mahaba ang dress at halos paa ko nalang ang kita suot ang puting heel. Kapansin pansin ang aking dibdib lalo na't v-shaped ang neckline iyon na komportable naman sa akin. Si Pauline ang nagsuot ng pearl necklace sa aking leeg habang sinusuri ko nang maigi ang sarili sa salamin.

The shoot will start first at the famous museum of fine arts in Manila. May staffs na nagbibigay ng protocols. Ang pagkakaalam ko, Porsche rented the whole museum for this worldwide shoot. Maraming location naman ang plano nila ngunit sa Manila ang unang setting.

"Very classy, Cassey! One of the royal style of a fashion icon, huh!" the director said and clapped happily nang makita ang ayos ko.

Natawa ako ng bahagya sa compliment kaya naglingunan ang iba sa amin. Ang nakapamaywang na si Roche at abala sa pakikipag-usap sa iba ay napasulyap sa akin.

His eyes scanned the dress curiously and I swear to God, I caught how his eyes drifted to the neckline of the dress! Kinuha niya ulit ang tingin at ibinalik sa kausap ngunit magkasalubong na ang kilay.

The director repeated his instruction while I'm listening carefully. Itinuro niya sa akin ang mga gagawin, kung saan titigil saglit para sa magandang kuha ng camera at kung anong painting ang titingnan.

"Look at the painting like you're inlove with it..." the directed continued while Roche is nearing.

Nagkatinginan kami saglit nang lumapit siya. The director glanced at him and continued talking like he's on his work mode.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon