24th Haunted

42.7K 1.5K 839
                                    

Haunted

Warning: SPG
——————-
First Time

Pinaandar ko ang tubig at iritang naghugas ng kamay. Now... how am I going to erase this fucking wine on my chest? Kaonti lang naman pero may stain pa rin! Napasobra pa ako sa pag-arte!

You need to do this para masolo si Roche! Magkausap kayo, at hindi na bumabagabag sa isip mo ang nangyari. Ngunit iyon nga ba talaga?

Irita kong tiningnan ang pinto nang wala man lang pumasok. Sumusobra na talaga 'yon!

Nagmartsa ako palabas ngunit halos magulat nang makita si Roche na nakahalukipkip sa gilid at madilim ang ekspresyon.

Napahinto ako at nagkatinginan kami. He glared at me. Mas lumaki ang nerbyos sa akin. Sumulyap siya sa aking dibdib at gumalaw ang panga. Noong napagtantong nandoon ang atensyon niya, nagkalakas loob akong magsalita.

"Look what you did! Paano ako paparty ngayon!"

Bumuga siya ng hininga at natatawang umalis sa pagkakasandal. Matutuwa sana ako kasi... tumatawa kaso sa sobrang tabang at pang-uuyam noon, parang gusto kong biglang kumaripas ng takbo.

I know when he's mad. May mannerism siyang ngumisi ng nakakaloko. Kaya ngayong ganito, pakiramdam ko, hinding hindi siya mapapaamo.

Namulsa siyang humakbang papalapit sa akin. Kita ko ang pagiging seryoso niya. Lumunok ako ngunit matapang na tumingin sa kanya pabalik.

Inilabas niya ang phone sa bulsa at pinindot iyon pagkatapos tumigil sa aking harapan. Aba't may gana pang magcellphone!

Nag-amba akong magsalita nang inunahan niya ako.

"Shut your mouth first," seryoso at may pagbabanta sa tinig niya.

Natutop agad ang aking bibig. It was like a threat. Kumalabog ang aking dibdib at parang nabaon sa limot ang mga kinabisado kong sasabihin sa kanya.

Muli siyang tumingin sa akin, sa pagkakataong ito, nagbabaga. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari ngunit nang nagsimulang may magplay sa phone niya, at talagang ang pamilyar ko pang tinig, parang gusto ko nalang maglaho sa kanyang harapan.

"You liar!" ang sumisigaw at maarte kong tinig iyon.

Nakipagtitigan ako kay Roche. Noong una ay nakaya ko pang maging matapang. Umangat ang kanyang kilay, mas nadepina ang pagiging masungit at maldito habang patuloy ang aking pagngawa sa isang voice message.

"Liar liar liar! Cheater! You cheated on me! Hinalikan mo ako tapos... cheater!"

Unti-unting natatablan ang kumpyansang suot ko. Talagang gusto kong umiyak at maglupasay sa kahihiyan. Na sana ay tumahimik nalang ako roon!

"Bahala kana. Sa'yo na 'yang canvas ko! Heck hindi na ako babalik d'yan sa warehouse coz I know you made love to that woman! Baka sa kotse rin!"

My shoulder loosened. My eyes slowly drifted to his chest for a sign of defeat.

"Ayoko na! Ikaw na sana ang crush ko! Akala ko right person kana but you're not! Wrong person ka!"

Mariin akong pumikit. Roche scoffed.

"I'll find someone else and I'll pursue one of my dreams to experience a rough sex! Aanhin ko kung masarap kang humalik kung cheater ka! I'll find someone else! Another drink, please!"

Shit! Yumuko ako at naninindig ang balahibo sa sariling kahihiyan. My soul just left. Parang hindi na babalik iyon. Ngunit matapang dapat tayo rito! Maarte dapat tayo!

Dumilat ako. "S-So what... I was drunk and..."

"Drunk? You literally accused me of cheating on you. Maayos ang usapan natin na babalik ka," giit niya sa matigas na tinig na nagpatutop ng aking bibig.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon