36th Haunted

37.5K 1.5K 666
                                    

Haunted

Conflict

Indeed, the media asked about the engagement thingy. Everyone's curious kung sino iyon. Kahit ako, hindi ko nga alam kung sino! It was my mother's crazy ideas! Hindi ko nga pinroblema 'yang love life ko tapos po-problemahin nila para sa akin?

Minsan talaga tama itong mga payo ni Naia na mas mabuting basted-in nalang agad ang mga nangliligaw sa akin kaysa ang hayaan silang manligaw nang matagal!

"Nasa Cana building na tayo, Miss Cassey..." ani Pauline na ikinadilat ko at iniahon ang ulo sa pagkakahiga sa backseat.

Pumasok ako sa loob. One of Nana's secretary escorted me to her main office. Kilala na rin naman ako rito lalo na't isa ako sa VIP clients niya.

Mommy:

His rumored girlfriend is one of the judges of Binibining Pilipinas! You will see her there.

Itinaob ko ang cellphone sa table pagkatapos mabasa ang text ni Mommy habang abala ako sa pagsusukat.

"It fits perfectly on you, Cassey!" Nana said and smiled perfectly.

Tiningnan ko ang aking sarili sa full length mirror. It's an off-shoulder longsleeve dress. It highlighted the valley of my breast and my deep collarbones.

The design is amazing. The rose gold sequens made the dress elegant. The slit on its side revealed the skin of my white leg. Bukod doon, makikita mo talaga ang marka ng mga gawa ni Nana sa kanyang brand. It screams elegance and luxury.

"Thank you, Nana! Your hands are indeed a living work of art!" I hugged her.

She chuckled softly and hugged me back.

"Viral kana naman sa twitter ah?" aniya nang humiwalay at parang naalala iyon.

Pairap akong naupo sa swivel chair at sinenyasan si Pauline na ayusin ang buhok ko.

"Low ponytail, Pauline," I said while Nana's looking at me in the mirror.

"Nagtatanong nga 'yon si Elle sa akin sa tawag kanina kung kilala ko raw ba kung sino..." makahulugan niyang banggit at tiningnan ako ng maigi.

"Ako ata ang midnight snacks ng mag-asawang iyon. It's obvious that Elle's fishing some information to report it to her freaking husband!" irita kong sabi.

"Anzai and his mouth..." Nana giggled softly.

I sighed and watched how Pauline did my hair. Alam niya na kung ano ang mga gusto ko at bagay sa akin kaya minsan hindi na ako nahihirapan pa.

Tumakbo sa ibang bagay ang topic namin at mas gusto ko pa iyong pag-usapan kaysa sa bumabahang tweets sa internet.

Hindi nga lang ganoon kahaba ang naging pag-uusap namin ni Nana lalo na't kailangan ko nang umalis agad.

Now I don't need to think about what happened on that event! I need to work! Wala akong sapat na oras para problemahin ang iniiyak ng iba sa internet tungkol sa akin, at mas lalong walang oras para manuyo ng mga lalakeng brokenhearted na hindi ko naman sana inutusang ligawan ako.

"Miss Cassey!" isa sa mga staff ang sumalubong sa akin nang makarating ako sa Smart Araneta Colisium.

Tumili ang crowd nang makita ang pagpasok ko habang inaalalayan ng isang escort. Nangingiti akong kumaway na ikinaingay lalo ng mga ito.

May lima nang judges na naroon. The CEO of Ever Bilena smiled at me and stood for a formal greeting. Tumayo rin ang isa sa fashion designer na kilala ko para bumeso. Nakipagbatian din sa sikat na aktres na si Kylie Borromeo lalo na't siya ang nasa gilid ko katabi ng bakanteng upuan na nakapangalan kay Catherine Villanueva, ang former beauty Queen na kilala ko rin.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon