7th Haunted

33.4K 1.1K 444
                                    

Haunted

Truth

My throbbing head was bombarded with so many memories last night. Naghahalo ang galit at hangover sa akin. Hindi ko alam kung susuka ako o magwawala sa iritasyong pumaibabaw.

I reported her account and used another dummy to report her again. It was petty but what the hell, I am pissed!

Bumangon ako dala ang cellphone at hawak ang pumipintig kong ulo. Hindi pa halos maisuot ang indoor slipper habang pumupunta sa cr ng kuwarto ni Naia para maghilamos.

I used her clean towel to wipe my wet face. Some of the products I recommended to her is already used. I smiled. She's using it! Kumuha ako ng kaonti at inabala muna ang sarili roon.

Noong matapos na ako ay nagtungo rin palabas ng kanyang kuwarto. Tahimik ang kabuuan. Her parents probably left early for work. Tanging siya lamang at ang isang kasambahay.

I found Naia on the front porch of their house. Nakaupo siya habang may binabasang makapal na libro.

"Morning!" I greeted and occupied the seat infront of her.

She looked at me suspiciously. Irita ako at hawak ang aking phone.

"Do you have a twitter account? I want to report someone's account," sabi ko habang nagla-log-out na sa isang account.

"Lasing ka kagabi?" tanong niya at ibinalik ang atensyon sa binabasa.

Tumango ako at iniharap sa kanya ang aking cellphone.

"Type your account. May irereport ako."

"Sino na naman?" she asked nonchalantly. "At wala akong twitter."

Kumurap pa ako. Una ay lito ngunit nang mapagtantong wala nga siyang instagram account, halos hindi na ako magtaka kung bakit wala siya noon.

"Ugh. Ako na nga ang gagawa ng twitter account mo," presinta ko.

"Don't use it on your personal issues, Cassey," she warned.

Umiling agad ako. "May irereport lang ako. Nakakairita eh! Sinisiraan ako! Akala niya naman purket elite siya ikinaganda niya na 'yang pagt-tweet niya!"

"At ikinaganda mo rin ba 'yang ginagawa mo? Reporting her account?" she arched her brow.

"Ikakapangit ito ng mood ko, Naia! Kaya kung reported 'to ikakaganda iyon ng araw ko kaya oo," I continued while typing all her informations on the blanks.

"Just ignore it," kalmado niyang sabi.

Umiling ako. Hindi eh. Nakakagigil eh. Maghihilaan kaming dalawa at wala akong pakialam kahit umabot kami sa impyerno.

Naghatid ng soup si Manang at mainit na kape para sa amin ni Naia. Abala ako sa twitter at pangrereport. Ngunit sa huli, tinamad din naman ako. I can't take it down. I know. But at least the satisfaction I get from reporting her account calmed me down.

"And she called me Cassnake Fortrash!" pagkukwento ko kay Naia habang abala na kaming dalawa sa kape.

"So childish," ngiwi niya.

"Immature din siya!" giit ko.

I spent my morning ranting my frustrations to Naia. Minsan ay nagsasabi siya ng side comments pero madalas ay tahimik siya.

These kind of fights are petty for her. She doesn't like the idea of involving herself on someone's drama especially when it doesn't concern her. Well that's her. Not me.

Gumaan din naman ang loob ko at nalihis din sa nabanggit ni Chey noong nakaraang buwan.

"Sasama ka ba sa outing ng mga Delafuente? Chey mentioned it. Bago raw matapos ang Summer," sabi ko habang ang soup naman ang pinagkakaabalahan.

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon