20th Haunted

35.7K 1.1K 522
                                    

Haunted

Respect

I'm not really sure what kind of explanation I'll pulled off in order to calm him. Lalo na't base sa nakikita ko sa ekspresyon niya, iritado talaga siya at mukhang may kinikimkim na sama ng loob sa akin.

I never think of him. Kung naiisip siya, madalang lang din. My mind is always occupied with nonsense things, but more on my school, friends and my frigging dry sex life. The latter part is the nonsense.

Kailangan ba isipin ko siya lagi para maalala ko ang mga usapan namin? I never took it so seriously. Dumudulas lang lagi sa isip ko dahil para sa akin, katuwaan lang naman iyon.

Inaamin ko na crush ko siya during my third year. Idagdag pang iniisip kong taken siya, kaya minsan tinu-turn off ko nalang siya sa isip ko like he's a gardener. Idagdag pang masungit, mas lumalala lang siya sa isip ko. Talagang kakalimutan ko agad.

I have a long list of preference when it comes to boys. I want someone who's sporty like most of my crushes, tall, radiates the same energy like me, fucking rich, and manly.

Pasok naman si Roche kaso...

I looked at him curiously while he's busy working. Ayaw na ata akong pansinin nang mapagtantong ayokong humingi ng tawad.

Paano ako hihingi?! Gagawa pa ako ulit ng panibagong script! And it takes a lot of time to say those things! 'Tsaka kailangan ko munang magreflect at isipin kung kasalanan ko ba talaga.

Kaso parang hindi naman. I have valid excuses. Hindi ko naman kasalanan ang mga iyon.

Naglakad lakad ako sa warehouse nila. It's quite big and spacious. Maalikabok ang ilang parte at halos umaatching ako.

Roche's head glanced at me.

"Bumalik ka dito," tawag niya.

Umirap ako at nagpatuloy sa patingin tingin. Lumusot ako sa mga nakahelerang kotse. Wow... these are nice. Parang mukhang bago pa. Are they gonna sell this?

"How much are these?" tanong ko at hinaplos ang makinang na ulo ng itim na kotse.

"Depends," he answered flatly.

"Million? Cars like this cost millions..."

"Wala kang kliyente kung ganyan ka mahal mo ibebenta. The client might prefer to buy a new car instead of buying our overpriced second hand cars..." rinig kong sabi niya habang nagtutunugan din ang tools na kanyang gamit.

"It's not overpriced! That's the exact amount of cars! My car costs almost four million," sabi ko.

Hindi siya umimik doon kaya nagpatuloy ako sa patingin tingin sa iba nilang kotse hanggang sa napunta naman ako sa kabilang pasilyo.

"Bumalik ka dito. Maalikabok diyan," his voice boomed.

Hindi ako nakinig. Baka isampal niya ulit na kailangan kong magsorry. I'm not prepared! At ayoko namang sabihin na gagawa muna ako ng script. Baka magalit siya lalo?

I noticed a small aluminum bowl. Kumunot ang aking noo.

"Roche!" tawag ko lalo na't kuryoso ako.

Rinig ko ang mabilis na yapak ng kanyang mga paa. Noong mahanap ako at nakitang nakayuko sa harap ng tinuturo kong bowl, kumalma ang taranta niyang mukha ngunit agarang nagseryoso. Namaywang siya habang hawak pa ang tools.

"What's this?" I pointed curiously.

"For the stray cat," he explained. "Tumayo ka diyan at bumalik ka sa upuan mo. Maalikabok sa parteng ito."

H A U N T E D (NGS #11)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon