CHAPTER 5

31 1 0
                                    

NOCTURNAL - "I WANT TO KNOW HIS NAME."

"Are you allergic to cats?"

"Huh? Uh, hindi naman pero ayaw kasi ni mama ng pusa sa bahay. May aso kasi kami."

I picked up the stray cat and cuddled it. It's so cute but a bit dirty. It doesn't matter since it has no smell.

"Okay, I'll keep it then." Tumayo na ako at nagpagpag ng damit.

Kanina pa uwian at kanina pa sana ako nakauwi pero pinaghintay ako ni Camille. Naghintay ako sa kaniya sa labas ng school at nakita itong kawawang pusa na natutulog sa tabi ng kalsada. Ayoko sanang kunin kasi baka hindi pumayag si Mom kaso hindi ko napigilan ang sarili ko.

Cuteness is my weakness.

"Halika na, Brooke. Baka hinahanap ka na ng Mommy mo." Sabi niya at nagsimula na kaming maglakad.

Their house isn't far away from here. She said that Yvenne and the others are her neighbours. Nasa isang lugar lang ang mga bahay nila. It's like a compound but I don't see any home around here other than our house and the house of our neighbours.

"Baka pagalitan ka ng Mommy mo huh? Gusto ko sana talagang kunin kaso baka ako naman ang pagalitan ni Mama." Kinuha niya ang pusa at kinarga.

Mukhang hindi siya sanay humawak ng pusa at muntikan na sanang mahulog kung hindi ko agad nasalo.

"Hala! Oh my god! Sorry! Isa rin yang dahilan kung bakit bawal sa amin ang pusa." She said while scratching her head.

I smiled and patted the cat's head. "It's okay, really. I'll take care of it." I said to assure her.

I saw her nodded while looking at us. "Ang cute niya no? Ano ang ipapangalan mo sa kaniya?" She asked.

I tilted my head and think of a nice name suited for a cute cat.

"Momo? I don't know? Momo means peach in Japan." That word just popped out on my mind.

"Momo? Oo, bagay iyon sa kaniya. Babae kasi eh." Kinuha niya ulit ang pusa at pinakita sa akin ang nagpapatunay na babae nga ito.

Bigla siyang kinalmot dahil siguro sa higpit nang pagkakahawak niya kaya napadaing siya. Natawa ako at agad iyong kinuha pabalik.

I brushed her fur and she finally calmed down. I think she doesn't like Camille.

Nakita ko siyang nakabusangot at hinihimas ang kamay niyang nakalmot.

"Grabe ka naman, Momo. Maganda rin naman ako ha? Mas maganda nga lang ang amo mo pero maganda rin naman ako." Umakto siyang parang naiiyak kaya napailing na lang ako.

She's really weird and funny.

"Let's go, Camille." Yaya ko sa kaniya at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

Habang nasa daan ay nagkwentuhan kami ng kung anu-ano.

I don't have the energy to talk too much but she seems to enjoy talking.

I asked her about her family. She said that she's an only child just like me. Her mother's a vendor at the cafeteria and her father's a carpenter.

Wala silang sariling bahay at nangungupahan lamang. Minsan daw ay tumutulong siyang magtinda ng mga kakanin kapag walang pasok. Sumasama siya sa Mom niya dahil ayaw niya raw itong mag-isang naglilibot sa kung saan-saan.

I admire her. She really cares for her Mom. I wish I can be that close to my Mom too but there's no way it'll gonna happen.

Natatanaw ko na ang bahay namin.

Nocturnal (Ability Series #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon