Chapter 3

2.5K 54 4
                                    

Chapter 3

Crush

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na, bakit dito ka pa dumiretso? Lagot talaga ako kapag nahuli tayo dito! Bawal na bawal ang ginagawa natin!" Pinagsasabihan ko sya pero balewala lang sa kanya dahil hindi natitinag sa paglalabas ng mga pagkain na binili.

"Let's eat" Instead he said.

"Sky naman e!" I'm stamping my feet while walking towards my small table. Maliit lang tsaka pang isahan lang talaga tapos ang dami niyang binili kaya hindi magkasya, kailangan ko pang ibuka ang maliit kong study table para may paglalagyan ng milk tea na dala niya.

"Milk tea pa e, gabi na" reklamo ko pa pero kumulo na ang tiyan ko, tiningnan ko sya at pina pakiramdaman kung narinig ba nito ang ingay na nilikha ng aking tiyan. Nakatikom lang ang labi niya pero halatang nagpipigil ng ngisi kaya napairap na lang ako sa hangin!

Sarili kong katawan pinapahiya ako!

"You don't like it?" Akmang dadamputin niya ang milk tea kaya mabilis pa sa alas kwatro ang naging galaw ko para kunin at niyakap sa may dibdib ko sabay simsim.

"Gusto" sagot ko gamit ang maliit na boses habang nasa loob ng bibig ang straw. Favorite ko 'to e! He chuckled.

"It's obvious, come and let's eat. I know you're tired and hungry" Ngumuso ako at umupo sa katapat niya and mind you, he bought his chair here dahil nga isa lang ang provided ng school para sa aming mga scholars. Nung una kasi ay sa sahig kami kumakain kapag nandito siya kaya pinuslit niya ang upuan para daw makakain kami ng ayos dalawa.

"Kailan ang game nyo?" Have I told you that he's a basketball player? Well, kung hindi pa, I'm now telling you that he is. He's quite famous kaya may mga nagagalit din sa akin sa campus, Lea and Michelle are attracted to him kaya galit na galit ang dalawang yun sa akin dahil akala nila ay may relationship kami ni Sky.

"Friday, I already got your ticket, you must watch" He looked at me. Parang bata akong tumango dahil may kasalanan pa ako sa kanya, I missed his last game dahil sinalo ko ang shift ng katrabaho ko sa 7/11 store that time. Tsaka championship na yun kaya kailangan ko talagang mapanood.

Hindi niya ako kinausap ng halos dalawang araw dahil dun kaya sobrang takot ako that time. Nasanay na ako sa presensya niya at hindi ko alam kung kakayanin ko kapag nawala siya.

"I will, magpapaalam ako sa boss ko" Sagot ko bago muling sumimsim sa strawberry chocolate milk tea ko. Ang sarap talaga! Nakakatikim lang naman ako nito kapag may dala siya, pero madalas din kasi lagi siyang may dala. medyo pricey din kasi kaya hindi ko na inuuna.

"Good" nagpatuloy lang kami sa pagkain, tahimik at walang nagsasalita. Pagod kami parehas dahil galing din siya sa basketball practice nila kaya alam kong pagod siya.

"Mag nanine na Sky, baka hanapin ka na ng mommy mo" Kinalabit ko ang balikat ng nakahigang lalaki sa makipot kong kama, dahil sa tangkad niya ay nakalawit pa ang paa nya.

Nang matapos kaming kumain kanina ay hinugasan ko ang mga ginamit namin at naligo muna dahil ramdam ko ang lagkit ng katawan dulot na rin ng pagsusurvey ko kaninang mag-isa. Pumasok ako sa banyo ng nakaupo siya sa dulo ng kama ko at nang lumabas ako ay nakahiga na habang nakataklob ang braso sa mata.

"Sky" ulit ko dahil hindi pa rin siya gumagalaw na para bang walang balak bumangon. Nakasando na lang din siya ngayon, inalis na pala niya ang polo, siguro ay nainitan. Hindi kasi ito sanay sa walang aircon kaya sobrang pawisin, maliit na electric fan lang ang meron ako dito tapos ang hina pa, mas malakas pa ang pamaypay.

"Nasa business trip sina mom" oh tapos? Edi umuwi na nga sya! Pagod na ako, masakit balakang ko kaya kailangan ko na humiga, e wala akong space!

"Okay, uwi ka na" I replied as I sat down on the bedside.

Starless Sky (Constellation Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon