Chapter 38

2.2K 41 0
                                    

Chapter 38

Chief Executive Officer


"Kesha, gising ka na" I murmured while holding her hand. She's so thin, peacefully sleeping. Only with the help of the machines connected to her body making her alive. She looks lifeless, ang daming tubo na nakakabit sa katawan niya.

Tatlong buwan na kami dito sa America and she's still like this. She was being checked by the experts, but nothing is happening— no progress. Her baby bump is evident now, but it's small compared to the normal six months pregnant baby bumps. The baby inside her tummy was fighting well. The doctor said Kesha is doing well protecting her unborn child.

May mga itinuturok din sa kanya para hindi maapektuhan ang bata sa loob. I was still blaming myself. I can't believe that she's experiencing this. If only I knew that she was about to got shot that time, I'd definitely cover her with my body.

"I miss you, you missed a lot of our tutoring session. Gising ka na. Please" I sobbed as a I brought her hand on my cheeks.

"Our little fighter inside you is doing well." I added. "I could still remember when we're making names for your baby."

"Ate! I'm making a list of names! Help me to choose for my baby!" Kesha beamed the moment I opened her room.

Dali-dali siyang bumaba sa kama niya at agad akong hinila papasok. "Dahan-dahan, baka maalog ang baby" I chuckled.

"Oops, I forgot!" She giggled.

Hindi halata ang tiyan niya dahil maliit siyang magbuntis. Three months pa lang pero dama ko na kung gaano siya ka excited na makita ang anak niya. Tinu-tutor ko pa rin siya dahil modular niya tinatapos ang pag-aaral kaya kailanga ng gabay pero mas mahaba pa ang kwentuhan namin tungkol sa pagbubuntis niya kesa sa lessons.

"Ang dami na nito ah, kailan mo inumpisahan?" I commented while looking at her list. Dalawang pahina na kasi ang iba't-ibang pangalan ang nanito, magkabukod ang sa babae at lalaki.

"Last night lang. Excited na kasi ako! Ikaw ang magbanggit ng names tas pakikiramdam ko kung mag rereact si baby! Kung anong name ang matapatan kasabay ng sipa niya ay yun ang magiging pangalan ng baby ko!" She enthusiastically explained. Natatawang tumango naman ako dito.

"Kick well, little one" hinaplos ko ang tiyan niya bago sinimulang basahin ang mga pangalan.

"Ate, tulog ata ang anak ko" Kesha pouted. Nangangalahati na kasi kami pero hindi pa rin gumagalaw ang tiyan niya. Well, what do you expect? 3 months pa lang.

"Hindi pa naman tapos" I replied. May kagat siyang tinapay habang marahang hinahaplos ang kanyang tiyan.

"Kiel Luther" I uttered

"Oh, my god, oh, my goodness! He kicked!" Kesha chirped in happiness.

"Talaga?" Ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang tiyan pero wala akong naramdaman.

"I'm sure! I felt it! My baby kicked! He likes that name. Kiel, baby." Napakaaliwalas ng mukha niya kaya hindi ko mapigilang ngumiti ng malawak.

"What if, it's a girl?" I suddenly asked.

"Kapag babae may gusto kasi akong name. Mommy said, it was supposedly my name but they accidentally uttered Kesha instead." She said.

"Ano dapat?" Tanong ko.

Pumunta ako sa likod niya at sinuklay ang kanyang buhok.

"Kendra Caroline" She smiled.

A sudden move of a finger pulled me back to the reality. I gasped when it's Kesha's!

Starless Sky (Constellation Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon