Chapter 24

1.8K 34 0
                                    

Chapter 24

Anklet

"Thank you for your service, Estella" ngumiti ako kahit sobrang bigat sa dibdib.

Kailangang mag bawas ng staff dito sa Jollibee, patas ang naging laban. Binunot kung sino ang maaalis at sa kasamaang palad ay ako ang nabunot. Walang choice kung hindi ang maalis ako. Kung kailan naman kailangan ng maraming kita kung kelan ako minalas ng ganito. Hay buhay.

"Thank you po, ma'am" yumuko ako upang magbigay galang sa manager namin. Halos tatlong taon din ako dito at napalapit na rin ako sa mga nakatrabaho ko. Mahirap bitawan pero wala naman akong magagawa.

"Pasensya ka na ha, kahit ako ay nanghihinayang na alisin ka dahil mababawasan ng masipag at responsableng empleyado. Ayaw ko man ay kailangan nating sundin ang napag usapan. Lahat kayo dito ay parang anak ko na. Halos lahat kayo ay working students at alam kong kailangan nyo ang trabaho na ito pero utos ito ng boss nating lahat kaya pasensya na." Mahabang litanya niya.

"Okay lang po, ma'am. Masaya po ako at kayo ang makasama ko sa tagal ng pagtatrabaho ko dito. Salamat po sa inyong gabay." Kaming dalawa na lang ang nandito sa loob ng staff room dahil abala na ang iba sa pagseserve sa labas. Inaayos ko na ang ilang gamit ko para maiuwi na sa dorm. Mabigat sa pakiramdam habang inuubos ko ang laman ng locker na kasama ko sa loob ng tatlong taon. Saksi ang locker na ito sa mga luhang kumawala sa mata ko.

"Hayaan mo at kapag nagka slot na ulit ay tatawaga kita agad" niyakap niya ako.

"Aasahan ko po iyan" I chuckled. "Aalis na po ako, susubukan ko pong maghanap sa iba. Maraming salamat talaga, ma'am"

Huminga ako ng malalim at tuluyan ng nilisan ang isang lugar kung saan halos araw-araw ay pinamalagian ko sa buong college journey ko.

Hindi ako pwedeng tumigil dito, kailangan kong makahanap kaagad ng kapalit na trabaho dahil mas malaki na ang gastos ngayong semester. Hindi sapat ang dalawang daan at limampong piso na kinikita ko sa paminsan-minsan na tutoring at ang sweldo sa 7/11.  Kahit papaano ay gusto ko rin palaging nakakapagpadala kina Nanay sa Batangas kahit limang daang piso lamang.

"Kaya yan, Estella!" I cheered myself. Giving up was not included in my vocabulary.

Araw ng sabado ngayon, nag ikot-ikot muna ako sa ibang fast food restaurants na malapit lang sa dorm ko para magtanong kung tumatanggap sila ng part timer. Pero karamihan ay hindi. Komplikado daw ang schedule ng mga working students at naaapektuhan ang schedule ng ibang empleyado.

Mahirap naman kasi talagang makahanap ngayon ng part time job na nag aadjust sa schedule ng mga estudyante. Talagang best choice ang Jollibee. Tumatanggap din ang McDonald's pero wala pa rin silang slot as of now.

Sa kalilibot ay hindi ko na napansin ang oras. Naalala ko na lang nang biglang kumalam ang aking sikmura. Lampas alas dose na, hindi nga pala ako nag almusal dahil biglaang nagpatawag ng meeting si manager gawa nga ng pagbabawas ng empleyado.

May dalawang daan ako sa bulsa pero hindi ko alam kung dapat ko ba itong galawin ngayon dahil baka kailanganin ko ito bigla. Hindi ako pwedeng basta-basta gumastos ngayon lalo na at nabasawan na ang source of income ko.

Nasa tapat na ako ng karendirya pero lumiko ako sa kanan kung saan may nagtitinda ng mga tuhog-tuhog. Bibili na lang ako nito, mabubusog din ako dito.

"10 pesos nga pong fishball" 

"Dos tatlo, ineng" sabi ng matandang nagtitinda.

Pasimpleng napangiwi ako. Dati ay piso dalawa lang ito ah, anyare?

Starless Sky (Constellation Series #1) Where stories live. Discover now