Chapter 13

1.9K 35 4
                                    

Chapter 13

IX XIIXVXXIIV XXVXVXXI

"We are allowed to kiss, right?" Sa tanong niyang iyan ay inipon ko ang lahat ng lakas ko at malakas siyang sinipa at kumalabog naman siya sa sahig.

Hindi siya nakadaing at nakatulala lang sa akin habang nakasapo sa kanyang balakang.

Nagpakurap-kurap siya, "Did you just...." Hindi makapaniwalang tanong niya. Ang landi mo kasi! Ayan tuloy!

"Kasi naman! Sabi mo behave ka!" Singhal ko. "Ayan, dyan ka na matulog! Maglatag ka ng banig. Nasa ilalim ng kama" pagkasabi ko ay nagtalukbong na agad ako ng kumot. Gusto ko rin naman ng halik niya! Pero may pangarap nga kasi ako sa part na yan! Ayaw ko muna!

"Love, I was just asking. Diba? I just tried to pull my luck" Naramdaman kong tumunog ang bakal na pinapatungan ng kama, senyales na umupo siya dito.

"Hey, balik tayo sa pwesto natin kanina" He tried removing the blanket on my face but I spanked his hand.

"You're getting violent, day by day." Guilt started eating me up. Oo nga! Masyado ko na siyang nasasaktan these days. Minsan kasi ay nabibigla ako sa mga sinasabi niya kaya basta ko na lang siya nahahampas.

Gamit ang dalawang kamay ay unti-unti kong ibinaba ang kumot mula sa ulo ko hanggang sa ibaba ng aking mata. I saw how his eyes narrowed.

"Can I?" He pointed to the bed, asking permission if he could lay down beside me. I slowly moved like an obedient kid to give him space.

He held my head and slowly put his arms at the back of my head "There" he said with satisfaction. "It's more comfortable this way, right?" Matipid akong tumango sa kanya.

Nakataklob pa rin hanggang ibaba ng mata ko ang kumot at para akong pusa na nakasilip lang. Maya-maya pa ay mahina siyang natawa kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.

"Cute mo" Pinindot niya ang aking ilong.

"Masakit?" Nakangiwing tanong ko nang pasimpleng hinawakan nya ang balakang. Nakokonsensya na ako ng tunay!

"Not really, nagulat lang ako dahil ang lakas mong sumipa" he chuckled.

"I'm sorry, huwag ka kasing basta-basta nagtatanong. Nagulat ako e!" Kulang na lang ay magtatadyak ako dito. I was pouting my lips under the cover.

"I will not lay my eyes on your lips again then, tsaka na lang kapag sinagot muna ako." Sumangayon naman ako sa kanya.

Kinabukasan ay nagising ako na mag isa na lang sa kama at nang tuluyan ko ng naimulat ang mata ko ay napagtanto ko na maliwanag na pala. Siguro ay kanina pa umuwi si Sky dahil ganun naman lagi ang gawa nya sa tuwing natutulog siya dito.

Tumayo ako at agad namang naagaw ng sticky note na nakadikit sa pader malapit sa kama ang atensyon ko. It was Sky blue and something was written on it. I hurriedly grabbed it and my stomach started to feel those butterflies.

My star love,

I woke up at 4:40 am then left at 5:02 am. I bought you breakfast since you don't have anything to cook here inside your dorm. Please eat before you start moving around, okay? And update me if you're going to meet your other suitor later. Call me when you're done and I'll fetch you. Let's buy you groceries. Let's just buy whatever your budget can afford. I won't force you to borrow money from me. Hindi pwedeng wala kang stock dahil malilipasan ka na naman ng gutom. Take care, love and behave, alright?

Starless Sky (Constellation Series #1) Where stories live. Discover now