Chapter 30

3K 43 3
                                    

Chapter 30

Heal

Post-traumatic stress disorder

"Gagaling ako kahit walang therapy. Gastos lang yan" I said before facing my back to them.

The doctor said I have PTSD.

It's a mental health disorder that is brought 
on by witnessing or experiencing a scary
incident.

Flashbacks, nightmares, excruciating anxiety, and uncontrolled thoughts about the incident are just a few signs that were currently  happening to me.

I don't want them to spend a lot of money just for my therapy. Ma i-stress lang si Nanay sa paghahanap ng pera.

Kung kailan nakatapos na ako ng pag- aaral ay tsaka ako naging pabigat.

If I only knew these will all happen from the day I got to hold my diploma, I would rather not anticipate to graduate.

Nabulyaso na lahat ng plano ko after graduation. Ang dami-dami kong plano pero kahit isa ay wala  pa akong nasisimulan.

"Anak, gagawan natin ng paraan. Ang mahalaga ay ang gumaling ka" I flinched when Nanay touched my shoulder.

I closed my eyes tightly to calm myself.

Si Nanay yan Estella. Don't be scared

Panibagong linggo na naman ang nakalipas at nandito pa rin ako sa hospital.

I'm physically stable, but mentally unstable.

The doctor suggested a good psychiatrist for  me to overcome my trauma, but of course we have to ready a lot of money for it, and I don't want it. As much as possible, I don't want my family and friends to be bothered by me.

"Okay lang, Nay. Magiging okay din ako."  Hindi ako lumilingon dahil ayaw kong makita ang mukha niya na nahihirapan. Pinapauwi ko na rin sila dahil alam kong may mga kailangan pa siyang gawin sa Batangas pati na rin ang mga kapatid ko.

Hindi na nila ako kinulit pa dahil alam nilang hindi ako makikinig sa kanila. Sobrang disappointed ako sa sarili ko lalo na at ngayon ang graduation ni Athena pero nandito ako at nakalugmok.

Hindi rin kasi ako pinapahintulutan na lumabas dahil madalas akong nagpapanick lalo na kapag may nakikita akong lalaki.

Kahit gising ako ay binabangungot pa rin ako dahil sa hayop na lalaki na yun. Hindi niya pa rin ako pinapatahimik kahit sinabi ng parents ni Kesha na nasa mental hospital na si Ken. Lumala daw ang sira nito sa utak. Kapag inilabas siyanng mental ay sa kulungan ang diretso niya dahil sa patong patong na kaso. Nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong ligtas na kami pero sa tuwing may makakaharap akong lalaki na kasing edaran niya ay bumabalik ang takot ko dahil tanging ngisi nya lang ang nakikita ko.

I'm sleepless. I'm afraid of sleeping because I could always have nightmares about him, and what happened that night. Minsan ay magigising ako ng umiiyak at nangangatal.

Gusto ko rin palaging mapag isa dahil pakiramdam ko ay masyado ko ng naaabala ang mga kasama ko dito. Pati ang mga kaibigan ko ay palagi akong sinasamahan. Ngayon ay nasa graduation sila ni Athena, as much as I want to watch her too, I couldn't. Bawal.

Nasusungitan ko na nga rin sila, kahit ayaw ko ay hindi ko mapigilan lalo na at naiingayan ako. Gusto ko ay tahimik palagi, nasasakal ako kapag sobrang ingay.

And also, Kesha. Wala pa ring nangyayari sa kanya. Hindi pa rin nag rerespond ang katawan niya but the baby inside her tummy was still fighting— a survivor baby.

Starless Sky (Constellation Series #1) Where stories live. Discover now