Chapter 17

1.9K 41 3
                                    

Chapter 17

Dead end

"Sigurado ka bang ayaw mo na sa apartment ko muna? Hindi ako mapapakali nito." Hinihimas ni Ly ang likod ng palad ko habang nakaupo kami sa kama.

"Okay nga lang. Pagod lang ako tsaka nasobrahan sa iyak kaya inatake. Hindi naman malala ang hika ko." She pouted and hugged me tight.

"Thank you TJ, Huwag na kayong mag-alala okay na okay lang ako dito! Tsaka bawal nga ang bisita sa dorm!" I laughed to ensure them that I'm okay. Kanina ko pa kasi sila pinapauwi pero ayaw umalis. Kumain na kaming tatlo dahil nag order na lang si TJ ng pagkain.

"Hoy! Bakit ka ba umiiyak?! OA nito!" Pilit kong kinakalas ang pagkakayakap sa akin ni Ly dahil bigla na lang siyang suminghot.

"Wala kang kwentang kaibigan! Ikaw na nga ang iniiyakan, ikaw pa ang galit! Sama ng ugali!" Ungot niya kaya sabay kaming natawa ni TJ. I was moved, alright. Having someone who's beyond concerned about me is such a bliss. Having her as my friend will always be my advantage.

"I'm not mad ah! Sabi ko lang bakit ka umiiyak! Imbento 'to!" I playfully spanked her shoulder. Tumunghay siya at napanguso ako ng sobrang pula ng asul na mata niya dahil sa pag iyak. May tumutulo pang luha kaya agad ko itong inabot at tinuyo ang pisngi nya.

"Tss, kala mo nakakatuwa!" Singhot niya. I giggled and pinched her cheeks.

"Cute mo ah. Oh sya! Okay nga lang ako,promise." Itinaas ko ang kanang kamay ko na tila nanunumpa. "Tahan na, huwag ka na mag-alala. Alam mo naman na hindi naman malala ang hika ko diba? Hindi ko ikamamatay yun, at tsak- aray!" Napadaing ako sa biglang paghila niya sa buhok ko.

"Anong hindi ikamamatay? Eh halos maputol na ang hininga mo kanina?! Kahit naman mild lang ang hika dapat ay pinagtutuunan pa rin ng pansin, huwag kang magpakampante at tsaka uminom ka ng vitamins! Tinitipid mo na naman ang sarili mo!" Litanya niya. Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa mga sinabi niya. Sobrang mahal ko ang kaibigan kong 'to.

"Opo, nanay" she just rolled her eyes and fixed herself.

"Cute nyo namang dalawa" We yelped when TJ suddenly spoked. Nakalimutan na namin na nandito nga pala siya!

"Ay grabe! Kinalimutan nyo na nandito ako 'no? Grabe na ang pananakit nyo! Hindi ko na kinakaya" madrama niyang sinapo ang dibdib at nagkunwaring nasasaktan.

"Arte mo! Tara na nga! Hatid mo ako!" Hinila na siya ni Ly sa tenga palabas ng dorm ko.

"Ano?! Eh ilang hakbang lang naman at apartment mo na?! Huwag kang tamad maglakad!" Tanggi ng huli at pilit na inaalis ang kamay ni Ly sa tenga niya. "Aray ko naman! Bitaw!"

"Kapag si Celeste kahit isang hakbang lang inihahatid mo pang tarantado ka!" Natatawa ako sa kanilang dalawa. Kung walang boyfriend si Ly ay iisipin kong may something sa kanila.

"Aba syempre! May special space kasi sa heart ko si Estella babes!" Hinihimas niya ang namumulang tenga at masamang tumingin kay Ly na ngayon ay nakangisi.

"Baka naman mahal mo pa?" Nangunot ang noo ko.

"Tanga! Meron na ngang iba!" Depensa ni TJ sa sarili.

Magsasalita pa sana ulit si Ly nang umakbay ito sa kanya at ipinulupot ang braso sa leeg.

"Estella, una na kami ah!" Paalam niya at nag iiigik naman ang kaibigan ko dahil sa sakal siya ni TJ gamit ang braso. Sinundan ko sila hanggang sa may pintuan.

"Bibitawan mo o babaliin ko ang buto mo?" Nakita ko kung paano nanigas ang katawan ni Ly nang may biglang nagsalita. Mabilis niyang itinulak si TJ at tumayo ng tuwid.

Starless Sky (Constellation Series #1) Where stories live. Discover now