Chapter 23

2K 32 5
                                    

This chapter is dedicated to my circle, cactus <3

Chapter 23

Guilty

"J-juice" alok  ni TJ sa amin pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Nagbaba siya ng tingin, marahil ay nararamdaman niya ang talim ng titig ko sa kanya.  Ang mokong na 'to!

I averted my eyes away from him when a hand snaked on my waist. "Don't stare at him" Sky groaned. I looked at him, and he's already carrying Evan with his right arm—Evan is already eating fries! Unbelievable!

"I'm glaring at him" I corrected him. I don't want him to get jealous over these petty things.

"Evan! Basa kang bata ka! Nabasa na si kuya Sky oh. Maligo ka muna! Kuya paliguan ko muna po ah" Kinuha ni Elaine si Evan mula sa braso ni Sky at bumalik na sa may poso kasama si Ethan. Tumikhim ako nang sundan ni TJ ng tingin ang kapatid ko. Nataranta naman siya at muntik pang nabitawan ang dalang tray.

"What are you doing here?" Sky raised his brow while asking TJ. Ibinaba niya sa may bangko ang tray na hawak.

"Kukunin ko ang iba nyong dala, mukhang marami kayong pinamili sa Baguio e." Awkward siyang tumawa at kumaripas na ng takbo papuntang sasakyan ni Sky.

"I thought he doesn't like you anymore?" Kumunot ang noo ni Sky at tumingin sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa kaya agad kong hinagod ang busangot niyang kilay at kinagat ang tungkil ng kanyang ilong.

"Hindi naman na talaga, huwag kang magselos dahil iba ang pinopormahan ng lintek na yun" magtatanong pa sana siya pero agad kong hinila ang kanyang kamay papasok ng bahay.

Ipinatong ko sa lamesang kawayan ang mga gulay at ibang pasalubong na dala namin. Mabuti na lang talaga at hindi burara ang mga kapatid ko kaya hindi masagwang magdala ng bisita sa bahay kahit ganitong biglaan. Kahit hindi semento ang aming sahig ay malinis ito.

"Love? Yung ibang gulay, paano natin ibibigay sa mga kapit bahay?" Sumilip si Sky sa pintuan, nalaglag pa sa noo niya ang ilang hibla ng kanyang buhok. Ang gwapo!

"Mamaya na lang love, wait natin ang Nanay" tumango siya at parang pagong na nawala ang ulo. Baka inaayos niya ang patas ng gulay sa bangko sa labas.

Ang punyetang si TJ hindi na nakabalik. Hindi ko alam kung saan siya pumunta, ang akala ko ay kukunin niya ang ibang dala namin pero bigla na lang nawala. Tumakas na ata.

"Jabe, Jabe, umutot si jabe~" natawa ako nang marinig ang bulol na pagkanta ni Evan. Nakabalot na siya ng tuwalya habang kumekembot pa ang puwet sa paglalakad. Ang taba.

"Lagot ka kay Nanay. Kauubos mo lang nung chicken na dala ni kuya TJ kahapon e" Ethan warned him. Kakalabas lang niya ng silid at nagsusuklay na ngayon. Sumimangot naman ang bunso at dinilaan lang ang kanyang kuya.

"Pangit ikaw! May Jabe si kuya Sky! Di ako share!" Sabay subo niya sa fries na nabasa na rin dahil kanina niya pa yun kinakain.

"Pst, bihis muna. Huwag kayong mag-away dyan ha" napangiti ako sa sinabi ni Elaine. Proud ako sa kapatid ko dahil siya ang tumatayong pangalawang Ina ng mga bunso namin. Minsan ay nagiguilty ako dahil ako ang panganay pero siya itong mas responsable sa pag-aalaga sa mga nakababata naming kapatid.

Starless Sky (Constellation Series #1) Where stories live. Discover now