Chapter 35

2.4K 49 3
                                    

Chapter 35

Wifey


"Even though you're not mine, I can treat you more than your real father should."

I honestly don't know what to feel right at this moment. Seeing Kiel smiling widely while playing Sky's hair makes me tear up. He keeps on murmuring 'papa'.

Kanina ko pa siya kinukuha kay Sky, but my son seems to love his warmth so much. Nakatingin sa akin si Sky na may kung anong emosyon sa mata nya na hindi ko mapangalanan. Bakas pa sa pisngi nya ang luha. Tahimik ang lahat maski ang mga bata na sobrang ingay kanina ay tahimik lang.

This isn't right. Hindi pa nga kami nakakapag usap ng maayos ay may panibagong problema na naman.

"Kiel, anak. Come here na sa mama" I wiped my tears away and hold my son's arm. I sighed when he shooked his head. "Baby, please. Mama is sad, I need my baby's hug."

Kahit anong suyo ko ay ayaw makinig ni Kiel. He wasn't looking at me. Sumubsob na siya sa leeg ni Sky.

"Sky, ang anak ko" hinawakan ko ang kilikili ni Kiel mula sa likuran pero kumapit siya ng mahigpit sa leeg ni Sky. I sighed.

"Papa, I w..want" pumikit ako ng mariin bago napahilamos sa mukha. I'm frustrated.

"Estella, please" hindi ko pinansin ang pakiusap ni Sky at pwersahang kinuha si Kiel. Pinilit ko syang kunin kahit sobrang tigas ng katawan niya. Nakapalibot pa rin ang binti niya sa bewang ni Sky kaya mas nahihirapan ako.

"Papa!" Umiyak na ng malakas si Kiel.

"Love, please" hindi ko pinansin.

"Love"

"Shut up!" Hinihingal na sigaw ko. Natigilan siya at binitawan na ang hita ni Kiel kaya nakuha ko ito. Naglililiyad siya sa braso ko kaya hirap na hirap akong kargahin siya. Akmang aalalayan ni Sky ang likod ni Kiel kaya iniiwas ko agad.

"Love ka ng love! Bullshits! Hindi naman tayo ayos! You're acting like we're still the young Sky and Estella! Hindi na, okay? Wala na!" My tears pooled. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at kita ko na natigilan siya dahil sa sigaw ko. Hindi ko na rin naisip na may mga bata kaming kasama rito kaya napasulyap ako sa kanila. Mabuti na lang at abala ang mga ito sa paglalaro.

Ang anak ko ay lalong lumakas ang pag iyak. Nasasaktan na rin ako dahil panay ang sipa niya.

"Estella, anak" napaiyak na ako lalo nang lumapit si Nanay sa akin. Sinubukan niyang kuhain si Kiel sa braso ko pero lalo lang itong nagwala.

Tumingin ako kay Sky na walang tigil sa pagluha, he looks hurt and so am I. Nakakuyom ang kanyang kamao at nang akmang lalapit siya sa amin ay pinigilan siya ni Dike.

"Calm down first. You should go home." Rinig kong sabi niya sa kapatid. Agad namang umiling si Sky at pinunasan ang kanyang basang pisngi.

"Ate, w-we will talk" he sniffed at parang bata na tumingin kay Dike.

Kiel keeps on throwing tantrums on my arms. Nasasaktan na ang katawan ko dahil kung saan-saan na tumatama ang sipa at hampas niya.

"Pa..pa. my papa. Kiel sad, Kiel cry"  napapikit ako nang tumama ang ulo niya sa baba ko.

"Kiel Luther!"

He froze for a second but his cry just doubled because of my shout. I never shouted at him— ngayon lang.

"Mama! B..bad! S..shout Kiel! H-hate mama!" He pulled my hair and I winced because of the pain.

Then, I realized what I just did, and the guilt started eating me up. Shit!

Starless Sky (Constellation Series #1) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt