Chapter 37

2.1K 48 7
                                    

Chapter 37

August

My legs are shaking as I went out to the cafe. I want to chase him, but he's already gone. 

Is it double meaning? I don't know.

Nagpalinga-linga ako sa labas. Madilim na ang paligid at hindi na rin karamihan ang naglalakad.

"Sky" I muttered while pressing my toes inside my shoes. Pero kahit ilang banggit ko na sa pangalan niya ay wala pa ring Sky na nagpapakita.

Nakakapagod kang mahalin, Estella.

Nakakapagod kang mahalin, Estella.

Nakakapagod kang maha--

I aggressively shook my head when his words kept on playing inside my head.

"No, Sky" I bit my lower lip and started walking straight — trying to find his trace.

Habang hinahanap siya ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala akong lakas para tumakbo at sumilong sa may bubong.

I let the rain soaked me together with my tears. It's pouring madly but I couldn't care less.

"Sky!" Medyo nilakasan ko na ang boses ko, nagbabakasakali na marinig niya at magpakita sa akin. Tinatawagan ko rin siya pero hindi siya sumasagot.

"Saan ka na?" I sobbed. Palakas lang ng palakas ang ulan, nanlalabo na ang paningin ko dahil sa magkahalong luha at tubig ulan na pumapatak sa mata ko.

"Sky! I'm sorry!" I screamed. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang gusto ko lang ay makita siya. I need him to help me.

I tripped.

Hindi ko magawang tumayo dahil napilipit ata ang paa ko. Dinampot ko ang cellphone ko na nahulog at muli siyang tinawagan pero kagaya kanina ay hindi niya pa rin sinasagot. Nasa walang taong parte ako ng kalye kaya walang nakakakita sa akin. Walang tutulong para makatayo ako.

Nang biglang tumunog ang cellphone ko ay agaran ko iyong sinagot sa akalang si Sky ang tumatawag.

"Sky" I sobbed.

"Hello? Celeste! Why are you crying? Where are you?" Sunod-sunod na tanong ni Ly.

"Ipapasundo na kita! Nasaan ka ba? Kanina pa umiiyak si Kiel. Hindi ko mapatahan" dugtong niya.

"P-pauwi na, sige. Sorry, Ly." Ibinaba ko ang tawag at kahit hirap na hirap ay sinikap kong umisod sa may gilid ng kalsada. Hindi pa man ako nakakarating sa gilid ay nagdilim na agad ang paningin ko.

Pagmulat ko ng mata ay ang matigas na ekpresyon ni Sky ang bumungad sa akin. Mabigat ang talukap ko at masakit ang aking ulo. Para akong may pasan na kung ano dahil hindi ko maigalaw ang braso ko. Nasa apartment na namin ako at hindi ko alam kung sino ang nag uwi sa akin.

"You have a fever." He said nonchalantly. "Why did you get yourself soaked from the rain?" He seriously asked while gently brushing my arms with the towel.

"Sky" Hindi ko na napigilang mapaluha habang tinititigan siya. Hindi naman siya tumingin sa akin at kunot ang noong pinupunasan pa rin ang braso ko.

"I'll get your food. Pagkatapos ay uminom ka ng gamot" He stood up. I was about to stop him but I couldn't move my hand to reach him.

Pinanood ko na lang ang likod niya na naglaho at tahimik na umiyak. Ang init ng pakiramdam. Para na akong nakadarang sa apoy pero nilalamig ang balat ko. May basang towel na nakapatong sa ulo ko.

Starless Sky (Constellation Series #1) Where stories live. Discover now