Chapter 29

3K 38 9
                                    


TRIGGER WARNING: This chapter contains a depiction of gun violence‎. If you have had a traumatic experience, please DO NOT READ; feel free to skip this part.

Chapter 29

Save me

"Ate, gising"

Nagising ako sa hikbi ni Kesha. Kinalabit niya ako kaya unti-unti kong iminulat ang aking mata. Tumingin ako sa kanya, namamaga ang kanyang mata. Akala ko ay panaginip lang ang lahat pero napatakip ako sa bibig ko nang mapagtanto kung nasaan kami.

Hindi panaginip, lahat ay totoo. Binaboy ako.

I always think positive. Even though I already encountered a lot of challenges in my life I've never thought of dying because of my family. Pero iba ngayon, parang nagagalit ako dahil nagising pa ako. Dapat ay pinabayaan na lang akong magpahinga, hindi ko alam kung paano pa ako babangon matapos ng nangyari sa akin.

Patuloy lang ako sa pag iyak hanggang sa binalot ako ni Kesha sa braso niya. Bigla akong natauhan. Mabilis kong sinuri ang kanyang katawan at napaiyak ako lalo dahil wala siyang galos. Hindi sya ginalaw ng hayop na yun, at ipinagpapasalamat ko iyun.

"Hindi ka ba nya sinaktan?" Iyan ang unang lumabas sa bibig ko. Umiling siya at inabot ang damit sa akin.

"T-tatakas na tayo ate. N-naliligo sya. Kailangan na nating makaalis agad." Tumango ako at kinuha ang damit na ibinibigay niya. Ayaw ko mang isuot ang damit ng hayop na lalaki na iyun ay wala akong magagawa. Hindi ko na maisusuot ang bestida ko dahil wasak na wasak iyun.

"T-thank you, Kesha. Salamat" hikbi ko nang iabot niya ang gamit ko- diploma, medalya, at toga. Hawak niya ang kanyang tiyan habang tinutulungan akong tumayo. Bugbog sarado ang katawan ko kaya hindi ko magawang lumakad ng mabilis.

Hindi ko maiwasang maging mahina habang iniisip kung anong nawala sa akin. Nakakaramdam din ako ng pagkadismaya sa sarili dahil wala akong nagawa para pigilan ang kahayupan niya. Ngayon ay nagiging pabigat pa ako kay Kesha. Ako ang nangako na ililigtas siya pero siya itong nagliligtas sa akin ngayon.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakali mang may mangyari na masama sa kanilang mag-ina.

Tumingin ako sa pinto ng banyo at nakitang may nakaharang na malaking stick at upuan duon. Kesha.

"Shit!" She cursed when we couldn't open the main door. Malapit na sana kaming makalabas pero nakalock ang pinto, hindi namin mabuksan dahil parang kailangan ng susi. "Fucking shit!"

Mas nagpanic kaming dalawa nang marinig namin ang malakas na sigaw ni Ken sa loob ng banyo.

"Shit! Shit! Shit!"

"Come on!- Kesha! Huwag mong ibangga ang katawan mo!" Hinila ko siya at inilagay sa likod ko. Baka kung mapaano ang anak niya kapag ipinagpatuloy niya ang ginagawa.

"You, little slut! I'll kill you when I get out of here! I will kill that shits inside your stomach!"

Mas nawindang ako sa narinig. Ipagpupukpok ko ang door knob gamit ang nakitang bakal sa gilid.

"Fuck you!" Balik na sigaw ni Kesha.

Impit na napaigik ako nang magsala ang pulpok ko sa door knob at tumama ang bakal sa binti ko.

"Ate!" Sinaway ko naman agad siya para hindi mag ingay. Susubukan ko sana ulit na buksan ang pinto pero halos mapaiyak ako sa tuwa nang buksan iyon ni kuya Edie mula sa labas.

"Kuya!" Agad na yumakap si Kesha dito at humagulhol na parang nagsusumbong.

"Bilisan na natin, baka maabutan pa tayo" hinawakan nilang dalawa ang magkabila kong braso at ipinatong sa kanilang balikat para maalalayan ako ng ayos. Dahil sa pagkakapukpok sa binti ko ay mas lalong nagpapilay-pilay ang lakad ko.

Starless Sky (Constellation Series #1) Where stories live. Discover now