Chapter 32

2.2K 43 17
                                    

Chapter 32

Come back

"Oh my gosh!" Diana Miller chirped.

Muntikan ko ng mabitawan ang mga damit na ipinapake ko dahil sa lakas ng tili niya. She was looking at her phone. She looks really shocked. Kausap na naman niya ang Pinoy niyang boyfriend. Pero sabi niya ay mag best friend lang daw sila. Kapag ganyan ang tili niya ay kinikilig siya. Parang highschool lang.

"Shh!" Saway ko agad sa kanya. Napatakip naman siya ng bibig gamit ang dalawang kamay ay doon tumili ng ipit. Itinatadyak niya pa ang paa sa sahig kaya gumagwa rin iyun ng ingay. Maling desisyon ata na pinayagan ko siyang bumisita dito sa bahay.

Sabi niya kasi ay tutulungan niya akong mag ayos ng gamit namin dahil aalis na kami sa isang araw. Medyo natagalan ako sa pag process ng credentials ko sa school na pinagtuturuan ko at ang hirap din pakawalan ng mga students ko. Para ko na silang mga anak kaya matinding iyakan ang nangyari. Kahit mga college na ay sadyang iyakin pa din sila. Dalawang taon pa lang naman ako nagtuturo pero ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nila sa akin kahit na isa akong Filipino.

"If you want to go back here, Meloxicam University is always open for you, ma'am Mendoza. You're a great teacher" that's what Dean told me before I left the school.

Sa totoo lang ay ayaw ko talagang umalis sa paaralan na iyon pero mukhang tadhana na ang gumawa ng paraan para bumalik ako sa sarili kong bansa.

"I'm so kinikilig!" Ibinato ko kay Diana ng kung ano mang nadampot ko dahil sa sigaw niya. Sinabi na ngang may natutulog e!

"You're still wearing these kinds of panties?! You're 27 now!" Panty ko pala ang naibato ko sa kanya kaya napapikit ako ng mariin ng iwagayway niya ito.

"What's with my panties? It's decent" I raised my left brow.

"That's the point! This is so decent! Seriously, this is so thick and can cover your butt cheeks! What are you? 18? 19?! Gosh you should use lingerie!" Mukhang nandidiri pa talaga siya panty ko!

"Wag ka nga! Why would I wear lingerie?! I'm not a stripper!" Hinablot ko na sa kamay niya ang panty ko at agad na isinilid sa maleta. Pati ba naman panty ay may comment siya?!

"And also your clothes! Gosh! Don't you know what crop tops are? Skirts? Short shorts?" Talagang ginulo niya pa ang mga natupi ko ng damit!

Puro kasi t-shirts and pants ang meron ako dito. Hindi naman ako kagaya ng iba na kahit sobrang lamig ay magsusuot pa rin ng crop top or skirt. May ilang dress ako pang suot ko sa school. Tsaka puro corporate attire din talaga ang laman ng closet ko dito.

"Sa sobrang lamig dito ay hindi ko kakayaning magsuot ng mga sinasabi mo! Tumatagos pa nga sa buto ko ang lamig kahit naka pants ako. What more kung mag skirt and shorts ako, diba?" Kinuha mo ulit sa kamay niya ang mga ginulo niya! Para siyang bata! Ang akala ko ay tutulong siya pero manggugulo lang naman pala. Binabash pa ang mga gamit ko!

"Tss, it's up to you! Kaya ka walang boyfriend!"

Huh! Di mo sure!

"Priority first" I looked at the bed and so she did. She sighed.

"I understand but let yourself enjoy it too! You're not young anymore! Don't miss a chance! Find a boyfriend!" She convinced me.

"I have someone waiting for me in the Philippines" I murmured.

Sa tuwing may magsasabi sa akin about boyfriend ay palagi kong sinasabi na merong naghihintay sa akin sa Pilipinas.

"Your ex?" She asked.

Starless Sky (Constellation Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon