Chapter 9

2.1K 49 9
                                    

Chapter 9

Twenty-one

"Tangina" My freaking phone died!

"Please, please, huwag naman muna ngayon" nangangatal ang katawan ko habang gigil na tinutuktok ang telepono. Sinugod ko ang malakas na ulan at tumakbo sa abangan ng jeep.

Lalo akong nabasa pero wala na akong pakialam. Ang nanay ko, please lord, ayaw ko pa po. Huwag muna ngayon.

"Nay"I cried while running as fast as I could because there's no jeep! Tatakbuhin ko na lang ang paradahan ng bus dahil ayaw kong maghintay ng matagal.

Paika ika pa ako dahil sa pagkakatumba ko sa roof deck kanina. Mabuti na lang at kasusweldo ko lang kahapon sa mga part time ko.

Gusto kong sumigaw at magwala kahit saglit lang para naman mabawasan ang bigat nitong dinadala ko pero wala akong oras para isipin pa ang nararamdaman ko.

"Estella! Magkakasakit ka!" A hand on my wrist stopped me from running.

"Kailangan kong magmadali" tumakbo akong muli pero hindi pa nakakailang hakbang ay may pumigil na naman sa akin.

"Tangi-" I stopped when he suddenly hugged me.

"I have my car with me. Please, let me come with you. Come on, you're making me worried" Sinakop niya ang balikat ko gamit ang braso para isilong sa dala niyang payong.

Hindi na ako nagpumiglas pa dahil kailangan na kailangan ko ng nakapunta kay Nanay. Mabilis kaming tumakbo papunta sa sasakyan niya ata agad niya akong inabutan ng tuwalya para tuyuin ang basang katawan.

"Thank you, TJ" He smiled at me.

"Where to go?" I'm still trembling and when he noticed it he immediately held my hand and caressed it gently to make me calm but it didn't work. I'm still shaking asf.

"Batangas, please bilisan natin. Si.... si Nanay kasi" humagulhol ako, hindi na rin ako nagulat nang niyakap niya ako at aluin.

"I'm here, okay? Calm down first. Bababa muna ako para magbihis ka, mahirap na kung ikaw ang magkakasakit" tumango ako at inabot ang damit na inabot niya sa akin. Nang lumabas siya ay mabilis akong nagbihis, dahil malaking lalaki siya ay hanggang itaas ng tuhod ko ang damit niya. Dahil nakadress ako kanina ay batid kong napansin na niya ang gasgas ko sa tuhod.

"Tara na" I said as I opened the window. Pumasok na din siya agad at walang sinayang na oras. Habang nasa byahe ay hindi ko pa rin mapigilan ang pagluha ko.

Si Sky, Si Nanay....... This day wasn't good for me.

Ichinarge ko din ang cellphone ko sa sasakyan niya at ng nakargahan na ito ng isang porsyento ay mabilis kong tinawagan ang kapatid.

"Elaine, si Nanay? Nagising na ba?" Nanginginig na tanong ko habang kinakagat ang kuko sa kamay. Dama ko ang pagsulyap ni TJ sa pwesto ko.

"Hello Ate, nasa hospital kami. Sorry, natakot ako kanina pero na overslept lang daw si nanay sabi ng doctor." Sumisinghot pa din siya at halatang kagagaling lang sa pag iyak.

I sighed in relief when she said that. Sobrang nakahinga ako ng maayos dahil sa totoo lang ay sobrang dinaga ang puso ko. Hindi ko kakayanin, mawala na ang lahat huwag lang si Nanay. Mahal na Mahal ko yun e.

Starless Sky (Constellation Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon