Chapter 25

2.7K 39 11
                                    

Chapter 25

Lesson Plan

"Saan ka?" I asked while drying my hair. Just took a bath.

Pagkalabas ko ng banyo ay bumungad sa akin ang hindi mapakali na si Sky. Nandito kami sa dorm ngayon dahil nangako siya na tutulungan niya akong aralin ang final demonstration teaching ko para sa isang araw.

Lumapit siya sa akin at inabot ang braso ko. Tinitingnan ko lang siya dahil mukhang alam ko na ang sunod niyang sasabihin.

"Sorry, love. I have to go. She's looking for me" lagi naman.

Dapat ay noong isang araw pa niya ako tutulungan mag-aral pero palaging nauudlot dahil hinahanap siya ng babae. Naiintindihan ko, palagi kong naiintindihan dahil alam ko na ang sitwasyon niya pero masama ba kung may nabubuong sama ng loob sa dibdib ko? Masama ba kung hihilingin ko na huwag siyang umalis; na huwag akong iwan kahit ngayon lang?

Kaya ko namang aralin ng mag-isa pero kasi...

Nangako siya.

Paulit-ulit pa.

"Bukas na lang tayo mag review, tutulungan din kita sa im's mo." Humalik siya sa noo ko.

Ilang bukas pa, Sky?

"Palagi ka na nyang hinahanap 'no?" Inagaw ko ang kamay ko sa kanya at itinuloy ang pagtutuyo sa buhok ko. Hindi ko napigilan na mahaluan ng pait ang boses ng tinanong ko yun.

Kinabukasan matapos ang picnic date namin ay nagsimula na naman siyang magpabalik-balik sa hospital. Alam kong hindi niya kasalanan na palagi siyang hinahanap ni Cassandra pero hindi niya ba naiisip na naiiiwan ako? Tuwing magkasama kami ay palagi siyang si paalis dahil tumawag ang babae sa kanya.

Am I being selfish wanting him to stay even though Cassandra needs him more? Is it childish if I want him to choose me?

If not, I really want to do it, yet I couldn't. I was stopping myself to say that. I don't want us to fight over this.

Ang hirap ng may kahati.

Kung alam ko lang na ganito ang magyayari matapos naming mangako sa isa't-isa, sana ay hindi na lang namin ginawa.

"Love" Tumango-tango ako para ipakita sa kanya na naiintindihan ko. Nilagpasan ko siya para umupo sa kama habang sinusuklay ang buhok.

"Naiintindihan ko. Sige na, umalis ka na" ngumiti ako ng tipid sa kanya bago kinuha ang Lesson Plan na aaralin ko. "Ako na lang mag-isa ang mag-aaral. Hindi mo rin naman responsibilidad 'to. Kaya ko naman, Sky." I added without looking at him.

"You're guit-tripping me" he accused. I looked at him unbelievably.

"I am not. Ang sinasabi ko lang ay pwede ka ng umalis kasi kaya ko namang aralin ito ng wala ka! Anong pinagsasasabi mo?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Saan nya napulot yun? Hindi ko ugaling mang guilt trip lalo na at alam kong nahihirapan din siya.

"What do you want me to do then? You want me to ignore he, and be with you just to do this petty things?" Bumigat ang paghinga ko sa sinabi niya. Hindi ko magawang magsalita dahil hinding hindi ko inaasahan na mamaliitin niya ang pangarap ko.

Siya ang kasama kong mangarap, hindi ko inakalang ang simpleng salita niya lang ang makapag papahina sa loob ko para mas abutin pa ang pangarap ko.

Umiigting ang kanyang panga habang kunot ang noong nakatingin sa akin. Inaaral ko ang ekpresyon ng mukha niya. I'm trying to find regrets but I couldn't find one.

Starless Sky (Constellation Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon