Chapter 33

2.3K 46 10
                                    

Chapter 33

Still you

"Kiefer!" Napasuksok ako sa gilid nang biglang lumabas si Diana sa likod ng pinto at walang pagdadalawang isip na yumakap kay Sky. Bumagsak ang tingin ko sa kamay ng lalaki na nakakapit sa bewang ni Diana para alalayan ito.

Kiefer.

Ayaw niya na tatawagin siya sa second name niya dahil kapangalan ng kanyang motorcycle.

Hindi ko pa rin maigalaw ang binti ko para talikuran sila. Bumalik ang tingin ko sa mukha ni Sky. Mahina pa akong napasinghap dahil nakatitig pa rin pala siya sa akin.

His eyes mirrored mine.

Halatang-halata na kagaya ko ay hindi niya  inaasahan na magtatagpo kami ngayon at magkakilala kami ng babaeng gusto niya. Agad akong umiwas ng tingin sa kanya nang may tumulong luha ulit sa pisngi ko. Hindi ko alam kung namamalik mata ako pero may nakita akong luhang pumatak mula sa mata niya bago ako nag iwas ng tingin.

Mabilis kong pinalis ang luha ko dahil nilingon na ako ni Diana. She was smiling widely. I can't break her heart. Ngumiti rin ako sa kanya kahit parang pinipiga ang puso ko dahil sa pagpulupot niya ng braso sa braso ni Sky.

"Estella! He's my best friend! The one that I've been talking about the whole time! He is Kiefer. Well, he likes me." She giggled like a teenager. Panandalian kong binalingan ng tingin si Sky na salubong na salubong ang kilay. Mukhang takang-taka.

"Babe, Kiefer! This is Estella. She's my friend and my former patient" She leaned her head on Sky's shoulder. May katangkaran din naman si Diana kaya abot niya ang balikat ng lalaki.

"What-" naputol ang sasabihin ni Sky nang magsalita ulit si Diana.

"Do you guys know each other?Para kasi kayong shock na shock kanina e." I was taken aback by her question.

Anong dapat kong isagot? Baka malaman niya na si Sky ang ex ko na binabalak kong balikan dito sa Pilipinas. Hindi ko naman kayang maatim na sumingit sa kung ano man ang relasyon nila ngayon para lang sa kagustuhan ko.

"She's m-" sky

"No"  I said.

Sabay na sagot naming dalawa. Nakita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya pero iniling ko ang aking ulo para tigilan ang pag iisip ng ganun.

Itinanggi ko sya.

"M-may kukunin lang ako." Dumaan ako sa kanilang gilid at dumiretso sa hotel room namin. Hindi ko na kayang mag stay pa kung nasaan sila dahil nahihirapan na akong huminga. Sobrang naninikip ang dibdib ko sa mga nangyayari. Alam kong hindi dapat ako umiiyak ng ganito ngayon dahil maaaring hilahin nito pabalik ang trauma ko.

"Wait-" Hindi ko na narinig ang sunod na sinasabi niya dahil tuluyan ko ng naisarado ang pinto.

Sapo-sapo ko ang aking dibdib habang nakasandal sa may pinto. Ni hindi ko na napansin na patay lahat ng ilaw sa silid at humagulhol na doon.

I let myself feel the coldness of the floor as I slammed my body down, and let my tears flow as if there's nothing left for me. I was hurt. I'm admitting it, I am still in love with him, and it's breaking me knowing that our feelings aren't mutual anymore. He doesn't feel the same.

"Surpr-" I froze when the lights turned on. The party popper popped.

I looked in front and I couldn't move looking at the people I left in this country five years ago all gathered to welcome me back.

'Welcome back!'

That is what written on the party balloons all over the place. Ly was holding the strawberry cake, Athena stopped fixing the table when she saw them stilled. Dike was the one who popped the party popper— may katabi syang lalaki na hindi pamilyar sa akin.

Starless Sky (Constellation Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon