Chapter 18

1.9K 45 8
                                    

Chapter 18

Babalik

"He's coming, ate Estella!"  Alerto kong inayos ang sombrero para matakluban ang mata ko at itinaas sa tapat ng mukha ko ang dalang libro. Hindi dapat kami mahalata dito, baka may biglang mag report pa sa amin.

Si Kesha naman ay nakasuot ng malapad na sombrero at shades na para bang nasa beach siya. I have another free time today kaya tinawagan ko si Kesha at saktong wala din naman silang pasok dahil bakasyon na. Pangatlong beses na naming sinusundan si Sky pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming na didiskobre. Nawawalan na ako ng pag-asa na may valid reason siya sa pananakit niya sa akin. Baka talagang hindi niya na lang talaga ako mahal at iba na ang gusto niya. Masakit at parang dinudurog ako sa katotohanan pero pinipilit kong maging matatag dahil kapag nalaman ko ang totoo ay maliliwanagan ang isip ko.

Sa tatlong beses na pagsubaybay namin sa mga galaw niya ay ni isang beses  hindi ko nakitang magkasama sila ni Cassandra pero alam kong may dinadalhan siya ng pagkain palagi dahil palagi siyang nag tetake out. Ngayon ay nandito kami sa Starbucks, pati ang family driver nina Kesha ay napapagod na sa pakulo naming dalawa. Mabuti na lang at mabait ang magulang ng batang ito.

"Malapit na siya sa counter. Gosh, ang gwapo talaga ng ex mo!" She silently beamed. I just inwardly rolled my eyes because she's super right! Kahit hindi ko nakikita ngayon ay alam kong gwapo siya. His eyes, his nose, his thick eyebrows, his sometimes disheveled hair, and his lips.

"One grande caramel macchiato and one non coffee frappuccino"  I pouted with his perfect pronunciation.

My poor heart wanted to jump out of my chest and say hi with its owner! What a traitor! Ang gwapo naman kasi pati boses! Halos lahat na lang ay gusto ko sa kanya.

Ilang linggo na ng huli kong narinig ang boses niya. Ngayon lang kami nagkalapit ng ganito dahil nung mga nakaraan ay nasa malayong lugar lang kami ni Kesha, natatakot kaming mahuli. Hindi naman kami magaling sa ganito kaya kailangan ng doble ingat. Ayaw ko din naman na isipin niya na sobrang patay na patay pa rin ako sa kanya!

"Shit! Ang yummy ng dic...." Halos padabog kong binabasa ang libro at sinamaan ng tingin si Kesha "—diction, diction yun! Accent ganern! Ang green ng mind mo ate!" She whispered. Para kaming tanga na nagbubulungan.

"Stop ogling with him!" I quietly hissed as I put my book back in front of my face. Nakakainis ha. Ang bata-bata niya pa alam niya na agad ang ganung mga bagay.

"I was just kidding! Selos agad" I cannot see her face but I knew she was smirking! This kid!

Hindi ko na lang siya pinansin at pasimpleng sumilay kay Sky na prenteng nakaupo sa hindi kalayuan na upuan at hinihintay ang order niya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa phone niya maya-maya pa ay sumilay ang ngiti niya kaya napa iwas ako ng tingin. Sino kayang kausap niya? Si Cassandra? Well, obvious naman.

"One grande caramel macchiato and one non coffee frappuccino for Mr. Monfero" Umayos ako ng upo dahil tumayo na siya para irecieve ang order nya. Hindi niya talaga gustong malaman ng kung sino-sino ang pangalan niya kaya palaging surname ang ginagamit niya.

Sinundan na lang namin siya ng tingin hanggang makalabas siya at mabilis kaming tumakbo ni Kesha palabas at sumakay sa kotse nila  para masundan namin ang sasakyan ni Sky.

Hindi ko alam kung bakit hindi niya ginagamit si Kiefer, simula nung naaksidente siya. Siguro ay hindi pa rin naayos kaya kotse ang lagi niyang gamit.

Starless Sky (Constellation Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon