Chapter 11

2.3K 36 3
                                    

Chapter 11

Competitive

"Oh.My.Gosh!" Ly pulled my hair "Ang talandi ng pokpok oh!" Hinila ko rin ang buhok niya dahil sa sinabi.

Napakabulgar niya talaga! Kung ano-ano na nga ding kabalbalan ang natutunan ko sa kaniya! Tsaka simula nung naging magkaibigan kami ay naging madalas na ang pagmumura ko. Sorry po, lord.

"Ang bibig mo talaga!" I hissed. Such a bad influence but I love her.

"Mabuti naman at nagkaaminan na kayo! Jusko ako ang nastress sa tangina niyong dalawa ha!" Napadaing na lang ako nang hampasin niya ang braso ko. Naglalakad kami ngayon papuntang 7/11, kakatapos lang ng klase.

"Bakit ka naman na stress? Wala naman kaming ginawa sayo ah!" Depensa ko. I've been looking around because I could feel the people's stares! Paano ba naman kasi ang magkabilang braso ko ay may tag-isa na punpon ng bulaklak! At dahil masama ang ugali ng kaibigan ko ay hindi niya ako tinulungan na magdala. Unfair daw sa isa kung hindi ako ang magbibitbit! Pero, ang hirap kaya!

Pagkadating ko pa lamang sa classroom kanina ay puro panunukso na ang natanggap ko dahil may iniwan si TJ na bulaklak at chocolate sa desk ko. He even left me a letter saying that he won't be able to see me today dahil may training sila sa labas ng campus.

Nang mag lunch break naman ay halos mapatalon ako sa gulat dahil sinalubong ako ng napakagwapong mukha ni Sky sa labas ng silid at may dala ring bulaklak.

"Hi" he greeted in front of my shocked face. Mas lalo pa akong nangatog nang marahan niyang hinapit ang baywang ko para mahalikan ang aking noo. "For you" tukoy niya sa bulaklak na hawak niya. Tulips

"What the heck is happening?" Alisto kong tinulak ang lalaki palayo kaya nangunot ang noo niya. Bumaling ako kay Lyra na halos lumabas ang asul niyang mata dahil sa gulat.

"Ly," I awkwardly chuckled. Napangiwi ako nang bigla niyang kurutin ang tagiliran ko. "Wala kang balak sabihin sa akin? Kung hindi ko pa nasaksihan ito ngayon, alam kong hindi ka magkukwento!" She exaggeratedly said.

"Don't hurt her" Kumabog ang puso ko dahil sinamaan ni Sky ng tingin ang kaibigan ko.

"Ang protective naman! Porque nag level up na ang friendship nyo!" I heard him chuckled.

"Yeah, level up na nga" tumingin siya sa akin na may malokong ngiti! Hindi ko gusto ang naiisip niya. Parang mahalay!

"Halina kayo!" Hinigit ko na silang dalawa. Rinig na rinig ko din ang bulungan ng mga kaklase namin.

"Oh, no! TJ, get up!" Singhap ni Chryzan na palaging active basta ang usapan ay ang panliligaw sa akin ni TJ.

"Nanganganib na ang bata ko" Sabi ni Renfel, patuloy lang kami sa paglalakad.

Nagulat ako nang tumigil si Sky sa tapat ni Renfel at tinapik ang balikat nito. " Yeah, sabihin mo sa kanya na nanganganib na siya dahil sa akin lang 'to uuwi" pagkasabi niya ay hinapit nya ang baywang ko ang nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang lalandi!" Ly hissed na tinawanan lang naman ni Sky.

"Let's watch Lion King" napaubo si Lyra dahil sa sinabi ni Sky.

"O, nakakaubo na pala ang Lion King ngayon?" Bakas sa boses ng lalaki ang panunukso. Weird, bakit ang close nila?

"T-that's ridiculous! Who's 21 year old would like to watch Lion King? That's childish!" She stammered. Hmm?

Starless Sky (Constellation Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon