Chapter 21

2.2K 40 3
                                    

Chapter 21

Body warmth

"I don't know what to say"

I whispered after Sky explained everything to me thoroughly. It's not easy to grasp every information he just said right now. I don't even know what to feel.

"You don't have to say anything. Just stay with me"

"I'll make it up to you, j-just let me show you how much I love you. I'm at my worst in those 38 days with no communication at all with you." He pleaded.

Pagkagising ko kanina ay nakaluto na siya ng almusal namin. Simpleng almusal lang; Hotdog, Bacon, and Eggs. No'ng matapos kaming kumain ay sinimulan niya ng sabihin sa akin lahat at taimtim ko lang siyang pinakinggan.

Aaminin ko, natakot ako. Hindi ko inakala na nangyayari nga pala sa totoong buhay ang mga ganong eksena. Ang buong akala ko ay sa libro at sa mga palabas ko lamang ito masasaksihan. And knowing that I almost lost my life made me shiver.

"I'm scared, Sky. Natatakot ako. Sobra" Nagbagsakan na ang luha ko at kung ano-ano na rin ang pumasok sa isip ko.

Paano kung hindi pumayag si Sky sa kondisyon nila? Papatayin ba nila talaga ako? Paano kung mas pinili niyang hindi ako saktan, paano kung mas pinakinggan niya an damdamin niya kesa sa isip niya? Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko.

I'm so selfish, I feel relieved with the fact that Sky accepts Cassandra's desire. Natutuwa ako sa naging desisyon ni Sky. Kahit nasaktan ako ng sobra ay pinag papasalamat ko sa kanya ang pagligtas nya sa buhay ko.

On the other hand, I feel like I am one of the  worst girlfriend ever. He also suffered because of that decision of his which is all for the sake of mine, and yet, I don't even feel emphatic. Dapat kahit papaano ay nagagalit ako dahil ang selfless niya. He was cornered with Ledezma's. He had no choice, but to do their wants because he loves me.

I love him too, so much.

But do I deserve his love?

Ang selfish na kagaya ko ay hindi nararapat sa pagmamahal niya. Naiipit siya dahil sa akin, oo nga at kusa niya yun pero ako pa rin ang dahilan. Naging sunod-sunuran siya sa pamilyang  yun.  Galit ako sa kanila, galit ako kay Cassandra dahil sa panggigipit nila sa lalaking mahal ko, galit ako dahil ginamit pa talaga nila ako.

Hindi ako yung tipo ng tao na nagtatanim ng galit pero sa pagkakataon na ito hindi ko alam kung bakit kahit may dahilan sila ay hindi ko maturuan ang sarili na magpatawad. Naiintindihan ko na desperada sila dahil sa malalang kalagayan ng anak nila pero tama ba na gumamit sila ng kapwa tao para dun? Tama ba na pagbantaan nila ang isang katulad ko na walang kaalam-alam sa buhay nila? Hindi ko masisi ang sarili ko kung bakit may galit na namumuo sa loob ko.

Para sa akin ay mga manggagamit sila.

Still, I'll pray for Cassandra's fast recovery.

Siguro ay sobrang nabigla lang ako sa mga nalaman kaya hindi ko pa magawang alisin ang galit sa isipan ko. This won't last, I know that  I'll be able to forgive them sooner or later.

"You're safe, hmm. They'll stop now. Everything is under control. Don't overthink, love. I'll be here, with you again from now on"  Hindi ko na namalayan na nakayakap na pala sa akin si Sky at inaalo ako. Tinutuyo niya ang pisngi ko at paulit-ulit na hinahalikan ang buong mukha ko. Mas lalo akong naiyak. Napaisip ulit ako—derserve ko ba sya?

"I-I'm sorry" I sobbed and nuzzled on his neck.  

"I-I should be mad at you. I-I should have tell you that you shouldn't let them controlled you, pero hindi ko magawa dahil alam kong iniligtas mo ako. Gusto kong magalit dahil napaka selfless mo, pero hindi ko masabi! Ang sama-sama kong girlfriend, i-ibreak mo na lang ako. Ang selfish ko, hindi tayo bagay! Iniisip ko lang ang kaligatasan ko pero hindi ko iniisip ang pag titiis mo habang pinipilit ang sarili na sundin ang gusto nila"

Starless Sky (Constellation Series #1) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora