Chapter 16

2.1K 43 15
                                    

Chapter 16

Pain

"Hindi pa rin kayo nag uusap?" I sighed then lazily nodded my head and continued computing the sales today. Malapit ng matapos ang shift namin Ly ngayon at sobrang lalim na rin ng gabi. Nag over time kami dahil malelate raw ang papalit sa  amin.

I'm tired, I've been working straight this week. Bukod sa tatlong part time jobs ko ay pinatos ko na rin ang online working kung saan igagawa ko ng activity ang kung sino man ang mag message sa akin. Kahit Thesis nila pinapatos ko na.

Noong gabi na nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Sky ay tumawag si Elaine sa akin. May sakit na naman si Nanay kaya kailangan kong magpadala ng pambili ng gamot at ganun na rin ang panggastos nila sa bahay isama pa ang maliit na baon ng mga kapatid ko sa eskwelahan.

I'm drained. Hindi ko na rin minsan nabibigyan ng pansin ang lessons ko dahil mas nauuna kong asikasuhin yung pagkakakitaan ko kaya ang ending ay mabababa ang scores ko sa mga activities at quizzes. Nakakatakot dahil sa isang linggo ay finals na namin pero lutang na lutang pa rin ako. Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng nakaatang sa balikat ko.

Pagod na pagod na ako pero yung pahinga ko unti-unti na ring dumudulas sa palad ko.

"Bakit ba lagi silang magkasama nung Cassandra na yun?!" Ly was mad. She always wants to talk to them whenever we encounter them inside the campus. 

The day after our misunderstanding happened, Sky didn't talk to me anymore. I tried approaching him a lot of times but my heart always got squished because of the sight of him with the woman I was jealous of.

Hindi ko alam kung kami pa ba o hindi na dahil sa totoo lang ay mas mukha pa silang mag kasintahan kesa sa aming dalawa.

Sky and Cassandra were always together like how boyfriend - girlfriend does.

Kahit mag message ako sa kanya ay hindi niya man lang magawang sumagot kahit isang salita man lang. Gusto ko lang naman malaman kung ano na ang estado naming dalawa para naman hindi ako magmukhang tanga at desperada.

Ang dami ko ng iniisip dumadagdag pa siya. Ang akala ko ba ay siya ang takbuhan ko? Akala ko ba ay kapag pagod na ako siya ang pahinga ko? Putanginang mga salita.

"Hindi ko rin alam. Baka sila na" I shrugged my shoulders. "Huwag ka ngang magalit dyan! Lalabas na yang asul na mata mo oh!" Tumawa pa ako para pagaanin ang paligid namin.

"Don't laugh! That's so fake!" Naiwan sa ere ang tawa ko at sinimangutan siya.

"Dapat sa dalawang yun ay pinag uuntog! Ang landi ng Cassandra na yun! Dikit ng dikit na parang linta sa taong may karelasyon na at iyong tanginang langit yun. Babayagan ko  talaga yan kapag nagkaroon ako ng pagkakataon! Such a dick!"

"Sorry madame!"I bowed my head to the customer who just entered the convenience store. 

Habang nakataklob ang kamay ko sa bibig ni Ly ay hinila ko siya papasok ng staff room! Saktong dumating na rin kami ang papalit sa amin kaya pauwi na rin kami.

"Ang bibig mo! Nakakahiya sa customer!" Sita ko sa kanya.

"Totoo naman! Walang bayag yung langit na yun!" Napasapo na lang ako sa noo ko at kinuha ang pampalit na damit.

Starless Sky (Constellation Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon