Chapter 27

2.4K 38 4
                                    

Chapter 27

In the midst of the crowd

"Nay, anong oras ho ba kayo aalis diyan?"

I am currently ironing my dress for tomorrow while talking to my mother on the phone. The days have passed like a breeze, and tomorrow is every graduating students' day.

Gagraduate na ako! Shit! Sobrang tagal kong hinintay 'to!

Dugo at pawis ang puhunan.

"Hinihintay ko na lang na bumalik si Elaine. Nasa palengke at inutusan kong bumili ng pagkain nila." Sagot ni nanay sa kabilang linya.

"Pasensya na, Nay. Wala na kasi akong extra para pamasahe nila. Hindi tuloy sila makakasama"

"Tumigil ka nga, Estella! Dapat nga ay kami ang may maibigay sa iyo. Jusko anak, teacher ka na" rinig na rinig ko ang saya sa boses niya.

"Okay lang, nanay! Hindi ko kailangan ng regalo! Bukas magluluto tayo dito" I excitedly said. Nakakipit sa gitna ng balikat at tenga ko ang aking telepono habang ang abala ang mga kamay sa pagpaplantsa ng bistida ko para bukas.

"Excited na akong makita ka, Nanay!" Malakas na sigaw ni Ly mula sa kusina. Nagluluto siya ng hindi ko alam, sana lang ay may lasa na. Anyway, nasa apartment niya kami.

Tumawa si Nanay "Naku, gusto na rin kitang makitang bata ka." Niloud speaker ko ang cellphone para magkarinigan sila.

Oo nga 'no? Bakit ba hindi ko ginawa ko 'to kanina? Nagpapakahirap pa akong itagilid ang ulo ko pwede naman ng palang iloud speaker!  Pota, gagraduate na ako, bobo pa rin!

"Dalhin mo po ang bulkang taal!" Walang kwentang bilin niya.

Malakas na natawa ang nanay sa kabilang linya dahil sa kagalgalan ng aking kaibigan. Silang dalawa na ang nag-usap hanggang matapos na ako sa pagpaplantsa ko. Nakakatuwa at magkasundo silang dalawa.

Tinitigan ko ang puting dress na inihanger ko.

White fitted dress, and it ended up just above my knees. It's also sleeveless.

The dress was sent 2 days ago from unknown sender. I know for sure, I'm positive that this is from him. Nakita ko na lang ang box sa labas ng dorm ko at may letter na iniwan na nakasulat sa dilaw na sticky note.

'Congratulations, I'm so proud of you'

That was written there kaya alam kong sa kanya galing ito. Noong umaga na lumabas ako ng condo niya ay sobrang bigat ng mga hakbang ko. Hindi ko alam kung nasaan siya. Siguro kung nandun siya noong oras na iyun ay baka nabawi ko ang sinabi ko sa kanya bago kami matulog.

Sa loob ng dalawang buwan ay hindi kami nagkita kahit isang beses. I'm happy that he listened to me pero mas lamang ang sakit at lungkot na bumalot sa akin habang tinatanggap ang katotohanan na wala na talaga.

Ang hirap bumangon knowing na wala ng 'good morning, love' na bubungad sa akin. Sobra ang pagpipigil ko na tawagan siya dahil alam kong ako ang may gusto nito. Ako ang pumilit sa kanya kaya wala akong karapatan na guluhin siya ngayon. Darating ang tamang panahon para dyan.

Starless Sky (Constellation Series #1) Where stories live. Discover now