01

190 4 1
                                    

Paghilom

Sapat na ang mga luhang nasayang
Sapat na ang minsang ikaw ay nahirapan.
Ang puso mo man ay patuloy na nasugatan,
Panahon na upang ikaw ay tumahan.

May paghilom sa bawat sakit
May kaligayahan sa bawat pait.
Buhay mo man ay nalulunod sa pasakit
Narito ang aking kamay at ikaw ay kumapit.

Kasiyahan ay muli mong matatamasa
Basta't huwag kang mawalan ng pag-asa
Sa ating buhay ay hindi masamang umasa.
Magpatuloy sa paghilom at sa paghasa

Panahon na upang ikaw ay tumahan At ang puso ay muling ipaglaban.
Dahil kung patuloy na sasariwain ang kapighatian.
Ay palaging kang mauuwi sa luhaan.



miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now