09

56 3 0
                                    


Masaya ako..

Masaya ako noon pa lang
Masaya na ako makita ka lamang
Kumpleto ang araw ko sa tuwing kasama kita
At hindi ko na hangad pa na maghanap ng iba.

Iyan ang katagang sinambit ko saiyo noon pa lamang.
Ang mga katagang babaunin natin sa habang buhay.
Hangarin ko na makasama ka sa hangganan.
Pangarap ko na makasama ka hanggang ang mundo'y mawala sa kulay.

Ngunit sadyang ang tadhana'y hindi umaayon sa ating nararamdaman
Pakiramdam ko'y tayo'y kaniyang pinaglalaruan.
Hindi ko mawari ang kaniyang dahilan,
Subalit isa lang ang nais iparating ng tadhana sa aking isipan.

Iyon ay ang.....Palayain ka at ilayo ka sa'kin.
Ang palayain ka ang magiging dahilan nang pagkadurog ng aking damdamin.
Paano ko magagawang palayin muli ang isang tulad mo,
Kung matagal ka nang nahimlay at ngayo'y alala na lamang sa puso ko.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon