37

11 3 0
                                    

ANG AKLAT




Sa taon ng kasalukuyan
Ay iba ang nararamdaman
Tumatangis sa kawalan
At kalungkuta'y hindi tumatahan

Naalala ang dati
Nang mga panahong malayo sa pighati
Hinahanap ang isang aklat
Dahil ang alaala'y doon nakasulat.

Sa mga panahong ang luha'y aalpas
Sa aklat tinatangis ng buong lakas
Sa tuwing gabi'y malamig
Ang aklat ay ginagawang bisig.

Ngayon ay hinahanap ang aklat
Sa iba't ibang sulok ng lahat
Nais na ito ay mabuklat
Sapagkat kaligayaha'y dito maisisiwalat

Subalit sa kahit saang sulok
Aklat ng lugar ay hindi maalok.
Napagtantong ang aklat ay natupok
Dahil sa katagalan ng paghahari ng alikabok.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang