10

59 4 0
                                    


Paalam

Paalam dahil may mahal ka nang iba
Paalam sa mga binuo nating alaala
Paalam sa lalaking minahal ko
Paalam sa salitang tayo

Masakit man sa aking damdamin
Ngunit lubusan kong tatanggapin,
Hindi ang tulad ko ang nararapat saiyo,
Hindi ang isang tulad ko ang magpapasaya sa puso mo.

Salamat sa alaalang binuo nating dalawa
Salamat sa mga panahong ako'y iyong napasaya.
Salamat sa pagmamahal na pinagkaloob mo sa'kin
Salamat dahil ako'y iyong minahal mo rin.

Ngayong nasa piling ka na nang iba
Wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang kasiyahan niyong dalawa.
Masakit man para sa'kin ang ginawa kong paglisan.
Subalit wala na akong magagawa dahil hindi na ako ang iyong hinihirang.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon