56

4 2 0
                                    


ANG KAMANG ITIM

Binalot ng sapin na itim
Ang silid na madilim.
Niyayapos man ng malakas na hangin
Pilit na ito'y yayakapin.

Sa yaong paglagablab ng init
Iindayog ang kamang mapang-akit
Sa saliw ng tunog ng musika
Ang sapin ay unti-unting masisira

Kumusta kaya yaong lagay ng kalangitan?
Matapos pindahin ang kamang higaan.
Kumusta kaya yaong itim na sapin?
Nasira dulot ng mga halinghing.

Marapatin nawa na mayroong bumulong.
Sa muling pag-indayog ng kama'y mayroong pumaroon.
Mali mang guluhin ang natutulog na diwa.
Subalit tama lamang ang iyong ginagawa. 

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now