22

14 3 1
                                    


Dahan-dahan

Tagumpay, ito ang ating hinahangad
Sa puso'y lubusang katangap-tanggap
Tamang proseso layong magaganap
Kaya't maghintay, manalangin at magtiwala para sa pangarap.

Mahirap ang hagdang ating nilalakaran
Na wari ay may nakagapos na kadena sa ating pinagdadaanan.
Subalit mayroon tayong angking talino na  sa sa'tin lamang
Talino na magwawaldas ng bitag sa ating kapalaran.

Kung pagkabigo'y iyong naranasan
Huwag itong kamuhian
Sapagkat ang pagkabigo'y isang pangitain
Tungo sa iyong magandang hangarin.

Batid na'ting lahat na mahirap ang magsimula sa umpisa.
Batid nating hindi kaydaling makuha ang ating tinatamasa.
Mahirap makipagsabayan sa galing ng iba
At mahirap ipilit ang sarili sa daan na nilalakaran nila.

Ang tagumpay ay isang hagdang maraming baitang.
Bawat baitang ay may pagsubok na nakaabang.
Huwag mo sanang madalihin ang lahat.
Bagkus ikalma mo ang iyong sarili at dahan-dahan mong tunguhin ang hagdang baitang. Pangako, pangarap mo ay iyong masasalat.


miss reminisce

Isang Daang PiyesaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon