26

10 3 0
                                    

Kumusta ka?

Kumusta ka? Ayos ka lang ba?
May gumugulo ba sa isipan mo?
Kaya mo pa ba? Lalaban ka pa ba?
Huwag kang sumuko kung alam mong nahihirapan ka na.

Ni minsan ba may nagtanong saiyo ng mga katagang ito?
Mga tanong na simple subalit hirap mong sagutin.
Hindi mo matukoy sa sarili mo kung ayos nga lang ba talaga ako.
Dahil batid kong kasinungalingan ang sagot na maaaring mabanggit ko.

Madami nang nagyari sa buhay ko
Marami ang napadaan subalit walang huminto
Marami akong nakilala subalit walang nanatili.
At marami rin akong nakausap subalit ang lahat ay pilit.

Sa bawat araw na nagdaan
Hindi ko maiwasang mapaisip ng dahilan
Bakit kay hirap na sagutin ang tanong na kumusta ka?
Kung batid ko naman na tama ang sagot kong ayos lang hindi ba?

Subalit sa tuwing sinasagot ko iyon
May kung anong kirot sa puso ko ang umaahon
Siguro'y nagsisinungaling akong totoo
Dahil hindi naman talaga magiging ayos ang isang tulad ko.

Ngunit para sa sarili ko lumalaban ako
Ako na lamang ang pumapawi ng mga luha ko
Dahil batid ko naman na walang handang magpahid ng likido sa mata ko.
Salamat na lang dahil nariyan kayo.

Salamat sa mga taong nag-aalala para sa'kin.
Salamat sa mga taong nanatili sa tabi ko
Huwag kayong mag-aalala palagi ko kayong kukumustahin
Kahit pa ilang saglit lang ay unti-unti niyo rin akong lilisanin.

miss_reminisce


Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now