47

5 2 0
                                    


IKAW AY SIGURADO

Sa isang libong duda
Ikaw ang nag-iisang tiyak
Sa sandaang tawa
Ako'y hindi iiyak.

Ikaw ang natatanging sigurado
Kahit ilang beses madapa ay iindahin ito.
Isasama ka kahit saan man sa mundo
Kasama ang mga pangakong binuo.

Sa isang libong duda
Batid ng puso na ikaw na
Marami mang dumating na iba
Puso'y hindi bibitiw sa iyo, Sinta.

Ikaw ang sigurado
At puso ko'y hinding-hindi ko isasarado
Mawalan man ng kulay ang mundo
Ayos lang bastat mananatili ka sa tabi ko.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now