39

15 2 1
                                    

ANG KATRE


Muling binihasan ng bago
Magarang sapin na wari'y ginto
Tila minamahal ito ng totoo
Sapagkat karamay ito sa bawat bagyo

Hahayaang ang likod ay dumampi
Sa malambot na bisig ng katre
Mapapangiting tunay sa sanhi
Sapagkat kapaguran ay napapawi.

Kung kalamigan ng gabi ay naghari
Babalutin ka ng kumot na buong tindi
Lamig ay unti-unting maiwawaksi
Ang malamig na gabi ay maitatanggi

Gintong higaan sa loob ng tahanan
Tunay na mararamdaman ang kaginhawaan
Mapapawi ang kapootan
Subalit sisiklab ang katotohanan.

Sa muling pagbangon
Ay nag-iba ang ihip ng pag-ahon.
Nawa'y muli mo parin sanang hagkan
Ang katreng ngayon ay papag na lamang.

miss_reminsce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now