08

59 4 1
                                    

Pahina

Sa pahina ng libro nakaukit
Ang mga salitang nagbigay sa'kin ng sakit.
Kung sa unang pahina pa lamang ay nadudurog na ang aking damdamin
Tila hindi ko na yata ito kaya pang basahin.

Sa bawat paglipat ko ng pahina
Ay ngalan at larawan mo ang aking nakikita.
Batid ko na ang dahilan kung bakit ako nagkaganito.
Dahil buhat nang ako'y iniwan mo nagpakalunod ako.

Nagpakalunod sa sakit ng kahapon.
Ni kahit sino'y hindi kayang pawiin ang damdamin kong luhaan.
Sa pagsulat sa pahina ko ibinabaling ang aking atensyon.
Umaasa na ang sakit ay mabawasan.

Subalit katulad ng isang pahina
Ang aking nararamdaman ay may katapusan.
Umaasa ako na katulad sa kung paano magwakas ang isang istorya,
Ay ganoon rin magwawakas ang aking nararamdaman.

Hindi ako kasing tibay ng pahinang ninanais mo.
Hindi ako ang pahinang kukumpleto sa buhay mo.
Isa akong pahinang madaling mapunit at malukot,
Isang pahinang nababalot ng pasakit at lungkot.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now