21

13 3 0
                                    


Tahanan

Ikaw ang tahanan ko
Sa mundong magulo
Ikaw ang tahanan ko
Kahit pumuti na ang buhok ko

Sa tuwing problema ay daraan
Ikaw ang aking tatakbuhan
Ako saiyo ay nanahan
Sapagkat ikaw ang aking tahanan.

Huwag mo sanang kaligtaan
Na ikaw ay hindi ko iiwanan
Marami man tayong pagsubok na maranasan
Asahan mong puso ko'y hindi ka bibitawan.

Buhat nang makilala kita
Mundo ko'y palaging masigla
Ang kaligayahang aking nadadama
Ay buhat nang ikaw ay sumama sa aking planeta.

Gumuho man ang mundo
At pumuti man lahat ng buhok ko
Ako pa rin ay uuwi saiyo
Sapagkat ikaw ang tahanan ko.

miss_reminisce


Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now