54

6 2 0
                                    


BAKIT HINDI PA RIN PWEDE

Hindi lahat ng ating gusto
Ay makukuha bastat hihilingin
Hindi lahat ng maaari sa mundo
Ay papatusin hanggang maangkin.

Kaya nga may mga taong nagkukulang
Dahil hindi pa naging sapat
Kaya rin ang pag-ibig ay nakahihibang
Dahil iba ito sa lahat.

May mga bagay talagang maaari na pero ang totoo hindi talaga
May minsang ngang mapagpanggap
Yung ikinukubli ang lungkot sa gitna ng tawa.
Para sa lahat ang bagay na ito ay katanggap-tanggap.

Maaaring maging tayo
Subalit maraming tayong maririnig sa ibang tao.
Maaari kitang kausapin
Subalit hindi kita maaaring angkinin.

Kaya huwag na lang ipilit
Dahil bubulusok lang ang sakit.
Kung hindi talaga tayo
Malay natin tayo pala ang itinadhana sa kabilang mundo.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now