75

9 2 0
                                    


POOT

Habang nilalamon ako ng gabi
Hindi ko maipikit ang aking mga mata
Habang niyayakap ako ng saya
Hindi ko magawang ngumiti.

Nilalamon na naman siguro ako ng poot
Mula sa aking puso pataas sa aking isip
Nakangangambang patuloy itong manuot
Hanggang umabot na sa isang sulok.

Ayokong gumagamit ng dahas
O kahit mga salitang marahas
Subalit poot ko'y nais kong mailabas
Nang mabawasan ang bigat na dinadanas

Ang hirap makulong sa pighati
Ang hirap magpakalunod sa paghihiganti
Bakit kailangang maramdaman ang poot?
Kung maaari namang idaan na lang sa lungkot.

Ang batid ko'y ayos lang na magpakababa
Hanggang sa ang ulo ay umabot na sa lupa
Ngunit ang kasarinlan ay lumalaban
Sa tuwing nabubuhay ang poot na nararamdaman.

Sana'y hindi na ulit maulit ito...

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now