52

4 2 0
                                    


AKO

Ayaw kong makarinig ng himig.
Yaong himig na masakit sa pandinig.
Ayaw kong maging mapanuksa
Yaong damdamin lamang ang pinapaksa.

Kung malunod man ako sa apoy
Pagkatao ko'y uusbong ang panaghoy
Kung sakaling talukap ay isara
Hihinto ang pag-indayog ng gitara.

Tataliwas ako sa pagpapanggap.
Iiwasan maski apoy na nag-aalab.
Kung dumanak ang kasarinlan sa aking isipan.
Hindi na ako makikipaglaban pa sa espada ng orasan.

Nais kong makalimot
Yaong mga alaala ng alimpuyot
Nais kong madama
Ang pagsintang walang kakaiba.

Sa dami ng tula kong nailikha
Ito ang unang beses akong tumula
Talagang ganoon ang isang tulad ko
Inuuna ang iba kumpara sa hangarin ko.

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaOn viuen les histories. Descobreix ara