36

14 3 0
                                    

UPUAN




Sa malawak na sala
Ang upua'y nakahambala
Iwanan man sa tuwina
Siya'y hindi nawawala

Marami mang kumatok sa pintuan
Ang upuan ay handa kang pagsilbihan
Lapagan man ng kagamitan
Siya'y hindi matitinagan

Sa pagdanak ng kapaguran
Ang salampuwet ang takbuhan
Kahit gaano man kabigat ang nararamdaman
Handang kang saluhin ng upuan.

Pagkaitan ka man ng kapalaran
Dahil sa kabigatan ng iyong kalooban
Ang upuan ay handa kang damayan
Kahit gaano ka kabigat ay hindi ka bibitawan.




miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt