69

9 2 0
                                    


EWAN KO BA

Ewan ko ba
Kung bakit nabubuhay pa ako?
Ewan ko ba
Kung bakit lumalaban pa ako
Ewan ko ba
Kung bakit nagpapakatatag pa
Ewan ko ba
Kung bakit nagmamahal pa.

Natutuo naman ako sa pagkakamali ko
Nahihirapan ako sa pagdidikta ng maraming tao.
Sadyang tanga lang siguro ako
Nagsusumikap kahit na dehado.

Noong bata ako gusto kong may marating.
Kasabay ng pag-abot sa hangarin.
Ngunit sa puntong nagsusunod na ako ng kilay?
Ang lahat ay parang gusto ko na lang ibaon sa hukay.

Tiyak na malulumbay si nanay
Hindi na rin matutupad ang nais ni Tatay.
Ngunit ang alam ko hindi naman sa'kin nakasalalay.
Ang pagiging marangya naming buhay.

Subalit batid kong kakapit ako sa patalim.
Kahit na itanggi ko, dudungaw pa rin ako sa balong malalim.
Anak ako, na pinag-aral at binihisan.
Ako na rin ang mag-aangat sa aming kinabukasan.

Ewan ko ba,
Kung bakit kami dapat na mga supling ang mag-aangat ng buhay.
Ewan ko ba,
Kung bakit kailangan kahati sila sa aming tagumpay.
Subalit wala rin namang saysay
Kung uunahin ang  sarili kaysa kay Nanay at Tatay.

Kaya ewan ko ba,
Kung titigil na ako
Ewan ko ba,
Susundin ko ang nais ng maraming tao
Ewan ko ba,
Kung magpapatuloy pa

Ewan ko ba,
Ewan ko ba.

Ngunit ito lang ang alam ko
Sa likod ng tulang ito
Ay ang pangarap ko para sa pamilya ko
Ewan ko ba?
Hindi I WANT ko na.


miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now