59

7 2 0
                                    

NANGYARI ANG 'DI DAPAT

Nangyari ang 'di dapat mangyari.
Natapos ang 'di dapat matatapos
Suminghal ka'y nakatatakot
Nagmahal ka'y isang bangungot.

Bakit ka naglalampaso sa sahig?
Bakit sa ulan ay hindi ka magpadaig.
Nilamon ka ba ng pangamba?
O nagpalusaw ka nang parang kandila?

Ikaw ay isang ginto na hinahanap-hanap
Ikaw ay isang kayamanang nilalasap
Kung sarili mo'y kusa mong ibinigay
Kayaman kang walang saysay.

Dalisay ka bago ka bilugin
Marilag ka't anghel na dalangin.
Lumalayag ka, kahit sa balong malalim
Subalit sa pag-ibig ka lang pala tutuklawin.

Pinapasok mo siya sa inyong tahanan
Ginalang, pinaglingkuran at pinanghawakan
Ngunit bakit ang tingin mo'y nasa durungawan
Pagmasdan siya'y hindi mo na rin makayanan.

Ang puso mo'y bata pa,
Magmahal ka'y tila lubos ang biyaya
Hindi ka yata nagtira sa isang basong sisidlan
Binigay mo nang buo, hanggang sa ikaw ay mahirapan. 

miss_reminisce


Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now