74

8 2 0
                                    


BAKIT GOD?

Sa nangyayari ngayon
Hindi ko mapigilang mapatanong.
Bakit God ganito ang nangyayari?
Bakit God ang daming nalulunod sa hikbi.

Tunay bang kinukuha mo ang isang tao
Kung tapos na ang misyon nito?
Tunay bang sa likod ng pagiging mabuti
Ay ang pagbawi mo sa'ming mga sarili?

Subalit alam kong sa likod nito ay may dahilan.
Nasa aklat mo ang pagbibigay ng buhay na walang hanggan.
Hindi namin hawak ang aming buhay
At tanging ikaw lamang ang makapagbibigay saysay.

Gabi-gabi'y naluluha na lamang ako
Habang nagbabalik-tanaw ang isipan ko.
Sa mga panahong nasisilayan ko pa ang kanilang ngiti.
Ngunit kalauna'y unti-unti akong lalamunin ng pighati.

Ngunit sa buhay paglalakbay namin.
Kailangan naming maging matatag sa bawat bagyong darating.
Kailangan ka naming kilalanin
Hindi lamang bilang Ama kundi ang tagapagligtas namin.

Ipapahawak ko na lamang sa iyo ang aking kapalaran.
Kung malagasan man ako ng mahal sa buhay
Ay lubos kong itong tatanggapin at iaalay.
Batid kong masakit na maiwanan
Ngunit kung talagang oras na ay kusa ko ng bibitawan.

Ang tanging nasasabi ko na lamang,
Ay Bakit God?

miss_reminisce

Isang Daang PiyesaWhere stories live. Discover now